TOP POV Sumaglit lamang si tito Ige sa bahay araw ng Linggo upang humalik kay Sirius. Its fathers day at ang araw na ito ay makakasama ni tito Ige ang tunay niyang pamilya. Si Sirius naman ay mananatili sa tabi ng pamilya ko upang maibsan ang kalungkutan ng kanyang anak. Matapos umalis ni Tito Ige ay nagbyahe narin kami papuntang Bulacan. Ito ang kauna unahang event na dadaluhan ni Sirius. Nung una ay halos mahilo siya sa dami ng tao at hindi makahinga. Nang magsimula ngang nagsipaghiyawan ang mga fans ng FTS at BTS ay napayakap siya sakin at nanginginig ang katawan. Kaya mas minabuti kong lagyan siya ng headset sa kanyang teynga upang mabawasan ang lakas ng ingay sa paligid. Unti unti rin siyang nasasanay sa paligid at sa mga ilaw sa naglalaro habang mahigpit niyang hinahawaka

