TOP POV WALA akong oras na pinalipas na hindi ko ipinadama kay Sirius ang pagmamahal ko sa kanya. Mula ng muli kaming pinagtagpo matapos ang pinakamahabang panahon na kami ay pinaghiwalay, ipinangako ko na susubukan kong punan ang mga sandaling hindi kami magkasama ng wagas kong pagmamahal sa kanya. Malinaw na malinaw pa sa aking ala-ala ang una naming pagkikita. She is just four years old and I am 11 years old that time. She kissed me deeply while I'm pretending sleeping sa likod ng mayabong na gumamela ni lola Hope at lolo Monsolo ko. Masyadong maingay sa loob ng bahay ng aking lola Hope kaya upang makatakas ako sa kanila ay pinili kong mahiga sa bermuda sa likuran kung nasaan napakaraming mga halaman ang naroon at puno. Gamit ang aking dalawang kamay ay inunan ko ito sa aking ulo

