SIRIUS POV Narito ako ngayon sa puntod ni Top. Dito ako nagpahatid kay kuya Ronie. Itinakas lamang niya ako sa mga kaibigan ko. Ito ang unang beses ko na pumunta rito. Nakaupo lamang ako sa kanyang unahang bahagi kaharap ang lapida niya na nakaukit ang kanyang pangalan. Narito rin ang kanyang picture na nakafix sa may lapida at bakas ang buhay na ngiti sa kanyang labi. Ito yung ngiti na kuha na magkasama kami sa kanyang kwarto at nagkukulitan kami. Mga ngiti niya na hindi niya ipinagdadamot sa akin. Katatapos ko lamang magsindi ng kandila. Napasandal ang aking noo sa noo niya at hindi ko na naman mapigilang umiyak. Galing akong school sa graduation ceremony at dito ko piniling ubusin ang oras ko instead umuwe. bumalik na kasi ako sa actual matapos kong maisagawa ang naskipan kong l

