CHARLES POV Nahati kami sa tatlong grupo ng umuwe na kami pasado alas dyies ng gabi. Sa sasakyan kami ni Leido sumakay. Nagpresenta kasi ito na ihatid si Sirius sa mansion ng Cannor Green. Kaya ang susundo samin ay hindi na natuloy. Bukas pa kasi uuwe ng bahay si Irish kaya sa bahay parin nila sir Top ito uuwe. Apat lang kaming sakay ng sasakyan nila Liedo. Isama nyo na si Megan sa list. Matapos ibigay sakin ni sir Top ang address ay iniabot ko iyon sa driver ni Leido. Mahigpit ang bantay ngunit ng makita nila si Irish ay pinapasok naman kaagad kami ng subdivision guard. Mapapansin mo na naglalakihan ang mga bahay dito kung baga doble ang laki sa bahay nila Irish. Tumigil ang sasakyan sa napakalaking gate. Nakaabang na si sir Top samin at si Sir Kurt at mayroon pang isa na di nalal

