CHAPTER 2

1014 Words
MAAGANG PUMASOK NG Cannor East University si Sirius kasama si Charles na pamangkin ng kanyang Tita Olive. Si Charles ay pinapaaral ng kanyang ama simula ng pumasok ito ng highschool at sa mismong paaralan na mismo ng CEU na ito siya pumapasok kapalit na siya ang magiging personal guard nito o tagabantay ni Sirius ngayong haharapin na nito ang realidad. Ito ang kauna unahang pagkakataon ni Sirius na makapag-aral siya mismo sa paaralan. Forth year highschool na siya ngayon at kakauwe nya lamang from Canada dahil gusto ng kanyang ama na matuto na siyang makihalubilo sa tao. Hindi sila masyadong nakakapag-uusap ni Charles sa dahilang di naman siya masyadong nagsasalita at mas gusto nitong magbuklat ng aklat o makinig sa kanyang wireless headphone . Kanina nga sa byahe papunta ng school ay nagbabasa lamang ito, at ng naglalakad naman sila, ay headphone naman ang ikinabit nito sa kanyang teynga. Napag-alaman ni Charles na mga lectures ang pinakikinggan nito sa kanyang headphone. Binababa lamang ito ng dalaga kapag tinatangka siyang kausapin ni Sirius Nakapag-ikot na sila sa campus at naituro na ni Charles ang mga facility sa loob ng Junior building saka nila naisipang pumasok na sa naitalagang classroom nila. ALANGANIN si Charles makipag-usap sa babaeng sinundo niya kanina lamang. Tunay na nabighani ito sa ganda ng anak ng kanyang amo. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na nakilala niya ang kanyang aalagaan at makakasama na niya ito hanggang sa magkolehiyo ang dalaga. Si Charles ay nakitaan ng kasipagan sa pag-aaral ng tita niyang si Olive. Mahirap lamang ang ang pamilya ni Charles. Kaya gumawa ang kanyang tita ng paraan at ito ay ang inilapit siya sa ama ni Sirius. Sumang-ayon ang ama ni Sirius na pag aralin ang binatilyo at hindi lamang sa public school ngunit sa mataas na paaralan kapalit na magiging personal guard siya ng kanyana anak na si Sirius. Habang nag-aaral si Charles ay nagkakaroon din siya ng mga special training tuwing weekend. Ito ay ang mga safety depense na dapat niyang matutunan para lubos niyang magampanan ang pinagkasunduan nila ng ama ng dalaga. Matatapos lamang ang kasunduang ito kapag pareho na silang tapos ng kolehiyo o mapuputol ang kasunduang ito kapag lumabag siya sa mga nakasaad sa contract. Ang Cannor East University ay kilalang paaralan ng mga mayayamang pamilya. Nasa kaugalian ng paaralang ito na sumabak sa mga activities outside. During the entrance examination ay naperfect ni Sirius ang 200 items kung kaya't automatic na inilagay siya sa class A room kung saan ang classroom ng forth year o grade 10 ay nahahati sa tatlo. Ito ang Class A na para sa mga line of 90 ang grado, sa Class B na para sa 80 ang grado at Class C naman sa mga pasaway. Mayroong sitting arrangement ang kanilang upuan sa loob ng kanilang classroom. Dahil siya si Charles Yapilito kung kayat nasa bandang hulihan siya. Dahil kasalukuyang Melicano naman ang gamit na surname ni Sirius instead of Abrenica ay ineexpect na ni Charles na sa huli ito ilalagay ng kanilang adviser malapit sa kanya kaya naman pinaupo muna ito ni Charles sa may dulong upuan kung saan ay nasa unahan lamang ng kanyang upuan habang hinihintay ang iba pa. Ito ay upuan ng kanyang kaibigan na si Geon Mindrez at kakausapin na lamang niya mamaya upang makapag-adjust. Alam ni Charles na ang ama nito ay isa sa mga shareholder ng university na kanilang pinapasukan. Ngunit dahil tago ang katauhan ng kanyang alaga ay isa siya sa mga proprotekta ng lihim ng mga ito. Natutuwa siyang pinagmamasdan mula sa may pintuan si Sirius na abala sa pagbabasa ng The Basic of Business Management Volume 1 ni Twineyo Kamugisha. Ngayon palang ay humahanga na siya sa babae dahil pang college na agad ang pinag-aaralan nito. Last week pang nagsimula ang klase. Late na ito ng isang Linggo sa lesson ngunit hindi siya nababahala sa kakayahan ni Sirius. Nagsimula ng magsidatingan ang mga estudyante. Kanya kanya ng kwentuhan sa bawat grupo at ang bawat sulok ay may sari sariling mundo. Si Charles ay nakikipag-usap sa labas ng classroom habang hindi pa dumarating ang class adviser nila. Ito ang grupo niya sa kalalakihan. Habang si Sirius ay nanatili sa kanyang upuan at nakayuko sa kanyang braso sa armchair. Naisipang silipin ni Charles si Sirius sa kanyang upuan ng napansin niya ito sa ganoong ayos kaya agad siyang lumapit sa dalaga. Kumuha ito ng bangko at inilapit sa upuan. "Irish... Hey! " tawag niya rito ngunit hindi ito sumasagot. Kinalabit niya ito kung kayat tumaas ang ulo ni Sirius at dito nakita ni Charles na nanunubig na ang mga mata ng dalaga. "Where have you been!? " una niyang narinig sa bibig ng dalaga at mapapansin namumutla ang maputi nitong balat. CHARLES POV Fuck!!!! Wrong move pa yata ako. Ang ganda. Shiiit!!! Mata palang natutunaw na ako. Ohhh f**k baka hindi na ko makapagtapos o makaabot ng college nito. Ang kinis din kasi ng kanyang mukha at ang liit. Nga pala Irish tawag ko sa kanya kasi ewan mas bagay na a.k.a nya keysa Sirius. Parang tunog lalaki kasi. Ang putla nya na.... ay hindi.... talagang maputla na siya. Maputi siya at mahahalata sa balat niya sa pisnge na hindi siya naiinitan ng araw. Ang uniform ng mga studyanteng babae dito sa pinapasukan namin ay almost nakakahawig sa japanese style. Four suit ito. Bukod sa may longsleve ay may coat pa ito. Ang skirt nila ay maiksi ngunit may black leggings silang pang-ilalim. Hindi naman mainit sa classroom dahil fully air-conditioned ang lahat ng room. At kaming mga lalaki ay three suit naman. "Where have you been!? " agad na tanong nito ng magkatitigan na kami. Nakakalusaw ang maganda niyang mata talaga. Hindi talaga ako makapaniwala na malaya ko siyang napagmamasdan ngayon. Ngayon ko lamang kasi siya nakaharap ng harap harapan tulad nito at malaya kong nalalanghap ang bango ng kanyang hininga at ang pabango niyang mild ang amoy. Ayyyy shiiit kung ano ano pa ang iniisip ko. "I--I'm sorry. D-dyan lang naman ako sa pinto at hindi ako lumayo." nauutal kong sagot shiiit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD