CHAPTER 24

1184 Words
MATAPOS niyang ngitian si John Rafael ay muli niyang ibinalik ang tingin sa may bintana at sa pagkakataon ngang iyon ay hindi nga siya namamalikmata sa kanyang nakita. Nakakasiguro siya na ang ate nga niyang si Savannah ang nakikita niyang kausap ng kanyang teacher na si Top. At hindi sa sinasadyang sandali ay nagkatitigan silang dalawa at kitang kita niya ang kakaibang ikinilos na mapanuri at pag-irap ng mga mata nito sa kanya. Mula rin sa kanyang kinauupuan ay nahagip pa ng kanyang mata ang waring nagtatalong John Rafael at ng ate niya dahil sa expression ng mga mukha nila ng sila ay sabay na dumaan. Walang pag-aalinlangan si Sirius na nag paalam na magccr lamang ngunit ang totoong dahilan nito ay susundan niya ang dalawang bulto. Malayo man ang agwat niya sa mga ito ngunit siniguro niyang abot tanaw niya ang dinadaanan ng kanyang kapatid at ng lalaking kausap niya kanina. Tumungo ang dalawa sa may likurang bahagi ng building ng college kung saan ay madalang lamang ang pumupunta rito. Napupuno ito ng mga halamang hitik sa nagkukumpulang bulaklak at mailan ilang puno na siyang magkukuble sa kanila ngayon. Wala namang nakapansin sa kanya sa pagsunod sa mga ito kaya malaya niyang napagmamasdan ang kanyang ate mga ilang metro lamang ang layo. Masisilayan sa kanyang labi ang ngiti dahil sa pinangarap talaga niyang makita ito ng personal kahit sa malayuan ngunit nawala yun ng mapansin na niyang lumuluha ang kanyang kapatid at malinaw niyang naririnig ang pinag-uusapan ng dalawa. "f**k!!! Rafa, wake up!!!! She is just fifteen!!!! Papatusin mo ang kinse anyos lang Rafa!!! That teenager doesn't know how to play in bed na di tulad ko na kaya kitang paligayahin at sambahin!!! " At nakita nya itong hinalikan ng kanyang ate sa labi ang lalaking kausap nito. Ngunit agad din naman natigil dahil sa umiiwas ang lalaki ayon sa kanyang nasasaksihan. "Shut up Sav! We're done! " "No we are not. I love you Rafa, how many time should I'm going to tell that to you!!!? " pagsusumamo ng kanyang kapatid. "I know everything Sav. Hindi talaga ako from the start. Pinatos lang kita dahil ayaw kitang mapahiya but for pete's sake Sav I don't love you! " Sa pahayag na ito ay kitang kita niya kung paanong sampalin ng kanyang ate ang lalaking kasama nito. Isa lang ang nasisiguro niya ngayon. Nasasaktan siyang makita ang kanyang ate na nasasaktan. "Fine! Oo, tama ka na sa simula palang ay hindi naman ikaw... pero nahulog ang loob ko sayo Rafa... Minahal kita ng totoo... Pero if you don't love me from the start, o kahit man sana natutunan mo rin akong mahalin... pero hayop ka! Ginawa mo lang akong parausan!!! ok fine!" at lumayo ng isang hakbang. " You really want to be free!? Go ahead!! " sabay punas ng kanyang mga luha. " I'll give it to you! " at ngumiti. "You want to be happy!? Try it!!! Pero ito lang ang tatandaan mo Rafael, pagsisisihan mong lahat ng ito! That Sirius Melicano? I will ruin her life kapalit ng pag-iwan mo sakin!!! " at sa katagang ito ay mababakas ang galit sa kanyang tono at mukha. "f**k Sav!!!! Huwag mong isama si Sirius dito!!! She's innocent!!! " dinig niyang pagtatanggol ni John. "Takot ka Rafael!? But you don't know me yet! " may mapaglarong ngiti siyang nasilayan. Sa sinabing yun ng kanyang ate ay nakita niya kung paano hawakan ni John ang braso ng kapatid. Siya ang pinag-aawayan ng dalawa na kinababahala niya. "Subukan mo lang na galawin sya Sav! Magkakaalaman tayo!! " Sa puntong iyon ay itinulak na ni John ang kanyang ate at iniwan. Mabuti na lamang at hindi iyon ganung kalakasan. "Ahhhhhh!!!! I hate you Rafael!!!! I swear na si Sirius Melicano ang pagbabayarin ko sa ginawa mong pang-iiwan sakin!!! " rinig niyang sigaw nito. At sa puntong ito ay kitang kita niya si Savanna kung papaano humagulhol sa pag-iyak ng mga ilang minuto. Nakita nya rin itong nag-ayos ng sarili bago ito umalis at dumaan sa pinagdaanan ni John kanina. Sa kanyang nasaksihan ay hindi na niya namalayang tahimik ng naglalandas ang masaganang luha sa kanyang pisnge. Dahan dahan na siyang nawawalan ng balanse at pakiramdam niya ay naninikip na ang kanyang dibdib ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay napayakap pa siya sa katawan ng kanyang teacher. "Have a deep breath princess... everything will be fine. Lets go back. " "She hate me.... She hate me-" at umiyak siya sa dibdib nito. "Shhhhhhhh, don't think about that princess.... Remember the story of Cinderella right?" at hinaplos nito ang likod ng kanyang estudyante. "In the end of that story they become friends diba." sensero nitong pagkukumbinse sa dalaga. "Kaya instead of thinking her... Enjoy the presence of your friends princess. I am just here to support you.... " at dahan dahan niyang inangat ang mukha nito at nakita niya ang namumugtong mga mata ng kanyang prinsesa. Agad niyang pinunas ng kanyang palad ang mga luhang dahilan ng pagkakabasa ng kanyang pisngi. "I hate seeing you crying.... kaya please don't cry na ha. Im always here.... we always here.... your papa, your friends, sila mom and dad.... always remember that.... andito lang kami.... lalo na ako. ok? " "Thank you sir Top. " ani niya saka siya bumitaw sa pagkakayakap ng binata at mabilis niyang nahalikan ang pisnge ni Top pagkatapos nitong magtingkayad. "You feel better now? " "Yes po. " "Do you know how to go back to our room?" Ngumiti muna siya bago sumagot. "Hindi po. " "Sa susunod, wag kang aalis ng walang kasama ha. Bring Carlo or anyone that can accompany you kung wala si Charles." "Ai ai Prince Philip!!! " then she salute. "Good girl!!! Lets go. " At ng napunta na sila sa pathway ay nakita nila si Charles na putlang putla na naghahanap parin. "See princess.... You make him worried... All of your friends. Kaya mag-apologize ka sa kanila later ok. Go, catch him. Mauna na ko. Dumaan muna kayo sa clinic at huminge ka ng gamot for your headache. " "Yes sir!!! " "By the way, you have a really good hair artist ha. What a lovely hair princess..... Sumunod na kayo ni Charles after... sayang ang two votes from both of you guys. " sabay talikod na nito Ibinalik ni Sirius ang kanyang mata kay Charles na ngayon ay kausap na si John Rafael. Agad na itong naglakad patungo sa kanila. At ng makalapit ito ay maraming nakapansin agad sa kanya dahil nasa harap na sila ng building. "Charles I'm here. " nakangiti niyang bati dito kaya agad siyang tinakbo ni Charles at niyakap at si John ay nakatulalang nakatingin. "My God Irish nag-" naputol niyang sasabihin ng may mga sumigaw. "Baby girl!!! " The grade 10 A students. "Ahhhh di na kami papayag na mag-isa kang aalis, ang layo ng CR mo baby girl!!! " si Carlo "Sorry I lost!!! " palusot niya. Kanya kanya ng yakap ang mga ito ng sumigaw ang mga ito ng - "Group hug guys!!! " at nasa center si Sirius.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD