CHAPTER 17 FERSON POV Ang aga ng ingay. “Lahhh! Señorito Ferson, bangon na! Ang tahimik ng paligid oh, baka patay na ‘yung mga manok mo!” boses ni Syviel, malakas pa sa alarm clock. Napakunot ang noo ko habang nakahiga pa rin, pilit nilalabanan ang antok. Kagabi lang, halos mawalan ako ng lakas literal. Pero ngayon, parang walang nangyari sa kanya. Parang may kuryenteng dumadaloy sa boses niya, at ako, gusto ko na lang matulog ulit. “Syviel…” mahina kong tawag, halos pabulong. “P’wede ba... tahimik muna? Ang sakit pa ng katawan ko.” Narinig kong bumukas ang pinto. Amoy ko agad ang sabon at sampaguita body spray niya. Narinig ko rin ang tunog ng tsinelas niya, tok tok tok papalapit. “Hoy Señorito, anong tahimik? Kakain na tayo. Hindi ako yaya mo, ha? Gusto mong lumamig ‘yung sinigang

