Luto

1145 Words
CHAPTER 8 SYVIEL POV “Aba, Seniorito, dahan-dahan lang!” sabi ko habang inaalalayan ko si Ferson palabas ng rancho. Mainit pa ang hapon, at halatang pagod na pagod na siya. Kanina pa kasi siya paikot-ikot, kakahabol sa akin at sa kabayo. “Syviel, marunong naman akong maglakad kahit bulag ako,” malamig niyang sabi. “Alam ko naman ‘yon, Seniorito,” sagot ko, sabay kindat kahit hindi niya kita. “Pero kasi baka mamaya madapa ka ulit tapos masisi pa ako!” “Hindi ako basta nadadapa.” “Aba, kanina lang muntik ka nang mahulog sa sako ng dayami!” Napahinto siya. “Syviel…” “Po?” “Gusto mo ba talagang mawalan ng trabaho?” “Naku, ayoko po! Kaya nga po alalay ako, oh!” sabi ko, sabay akay ulit sa kanya, hawak ko ‘yung braso niya nang dahan-dahan. Tahimik kaming naglakad papunta sa bahay niya. Sa totoo lang, kahit suplado siya, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-gentle ‘pag kasama ako. ‘Yung tipong kahit malamig ang tono niya, may kung anong init sa paligid kapag siya na ‘yung kaharap ko. Pagdating namin sa loob ng bahay, dire-diretso kami sa kusina. Amoy kape, amoy mantikilya, amoy bahay na mayaman parang nasa ibang mundo talaga ako. “Seniorito, gusto mo bang magtimpla ako ng kape?” tanong ko, sabay lapag sa tungkod niya sa tabi ng mesa. “Hindi ako nagkakape sa hapon.” “Eh di gatas?” “Hindi rin.” “Tubig?” “Hindi.” Napataas ako ng kilay. “Eh anong gusto mo, Seniorito? Hangin?” Tahimik lang siya. “Seniorito…” “Syviel, gusto ko ng katahimikan.” “Ah, gusto mo ng taho?” “Syviel!” halos pasigaw niyang sabi, kaya napaatras ako. Pero sabay tawa rin ako. “Ang sungit mo naman! Nakakakilig tuloy!” Napabuntong-hininga siya, sabay upo sa mesa. “Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis ‘yung maingay mong bibig o ‘yung nakakakilig mong kalokohan.” “Ay! So kinikilig ka rin?” “Hindi!” “Eh bakit parang nag-iiba boses mo ‘pag ako kausap mo?” “Dahil ikaw lang ang marunong magpataas ng presyon ko,” sabi niya sabay kunot ng noo. Natawa ako nang malakas. “Seniorito, promise, ikaw na ang pinaka-charming na suplado sa balat ng lupa.” “Hindi ko alam kung insulto ‘yan o puri.” “Dalawa po!” Tahimik siya sandali. Nakapikit lang, parang nag-iisip. Kaya habang siya’y tahimik, ako naman ay tumalikod at naghanap ng lulutuin. Nakita ko ‘yung basket ng itlog, tinapay, at gatas. “Seniorito, gusto mo ba ng egg sandwich?” “Hindi ako nagugutom.” “Gusto mo bang magutom?” “Syviel…” “Okay, okay! Gagawa na lang ako, tapos bahala ka kung gusto mong kumain.” Habang nagluluto ako, naririnig ko siyang huminga nang malalim. Para bang sinusubukan niyang huwag akong pansinin pero ramdam ko, nakikinig siya sa bawat kaluskos ko. Tapos bigla siyang nagsalita. “Syviel, bakit mo ginagawa ‘to?” “Ang alin po?” “Ang pag-aasikaso sa akin nang ganito.” Napahinto ako sandali, hawak ang spatula. “Eh kasi Seniorito, kahit suplado ka, gusto ko pa rin na may kakain kang mainit.” Tahimik siya. Kaya nagpatuloy ako. “At saka… masarap kaya ‘pag ikaw ‘yung pinagluluto ko.” “Bakit?” tanong niya. “Ewan. Siguro kasi kahit pa bulag ka, gusto kong maramdaman mong may nagmamalasakit pa rin sa’yo.” Tahimik ulit. Tapos bigla ko na lang narinig ‘yung mahinang tawa niya ‘yung tipong parang pilit niyang pinipigilan. “Syviel…” “Po?” “Hindi mo kailangang maging mabait sa akin para mapansin kita.” “Eh paano ‘yan, gusto ko pa rin maging mabait?” “Pasensya ka na, pero hindi ako sanay sa ganyan.” “Eh di masasanay ka!” sagot ko sabay ngiti, kahit medyo namumula na ako. Nilapag ko sa mesa ‘yung sandwich at gatas. “O ayan, Seniorito, kumain ka na.” “Hindi ko naman nakikita ‘yan.” “Eh di ako na lang magpapakain sa’yo,” sabay lapit ko sa kanya. “Hindi na kailangan” pero bago pa siya makatapos, sinubo ko na agad ‘yung tinapay sa bibig niya. “O diba? Masarap?” Nagulat siya, napangiwi pa. “Mainit!” “Teka, wag mong lunukin agad, baka masunog dila mo.” “Syviel!” “Po?” “Pag hindi mo tinigilan ‘yang pagiging makulit mo, ipapakasal talaga kita sa kabayo kong si Carmella!” “Tanggap ko po!” sagot ko sabay tawa. “Basta ikaw ang ninong!” Napailing na lang siya. “Hindi kita maintindihan, babae ka.” “Hindi mo kailangang maintindihan, Seniorito. Ang kailangan mo lang… mahalin ako.” Tahimik siya. Naramdaman kong parang napigil hininga niya, at halos marinig ko ‘yung t***k ng puso niya sa katahimikan ng kusina. “Syviel…” “Po?” “Baka nakakalimutan mo, amo mo ako.” “Eh amo nga kita, kaya dapat alagaan kita, diba?” “Hindi ‘yan ang punto ko.” “Eh ano po?” “Na kapag ganyan ka palagi, baka hindi na kita kayang palayasin.” Hindi ko alam kung anong sasabihin. Biglang tumigil ‘yung kamay ko, tapos tumingin ako sa kanya kahit hindi niya ako makita. “Eh di wag mo na akong palayasin, Seniorito,” mahinang sabi ko. “Hayaan mo na lang akong nandito.” Muling tumahimik. Tapos narinig ko na lang ‘yung tunog ng kutsara, at maya-maya, marahan niyang hinawakan ‘yung kamay ko. “Syviel,” mahina niyang sabi. “Po, Seniorito?” “Salamat.” “Sa ano po?” “Sa pagdadala ng ingay… sa tahimik kong mundo.” Napangiti ako. “Eh ikaw naman po, Seniorito…” “Ako?” “Salamat kasi kahit suplado ka, ikaw ‘yung dahilan kung bakit hindi na ako natatakot sa kabayo.” Narinig ko siyang huminga ulit pero iba na ‘yung tono, parang… masaya. “Syviel,” sabi niya habang inaayos ‘yung kamay niya sa mesa, “Pwede bang bukas ulit… ikaw ang mag-akay sa’kin?” Ngumiti ako. “Eh kung ayaw mong ako, sino pa ba, si Carmella?” “Huwag mong uulitin ‘yan,” sabi niya sabay tawa ‘yung tawang matagal kong gustong marinig ulit. ‘Yung hilaw pero totoo. ‘Yung parang una niyang tawa mula nang makilala ko siya. At habang kumakain siya ng sandwich na ako ang gumawa, napaisip ako: Kung araw-araw ganito, kahit suplado siya, kahit bulag siya, kahit palaging galit… siguro kaya ko. Siguro si Seniorito Ferson Mandurukot na talaga ang dahilan kung bakit kahit ang araw na nakakainis, ay masaya pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD