[Xylandria's POV]
"Dad?" Gulat akong napatanong nung makita si Dad na nakapamulsang naghihintay sa akin sa porch.
"Andria! Buti naman at maaga kang umuwi." Niyakap ko si Dad at agad din siyang kumawala para tingnan ako mula ulo hanggang paa.
"You look so lively. The last time that i've seen you, you're stressed and gloomy."
"I don't have load of stuffs this time, Dad. Buti at napabisita ho kayo."
I have my own house and car, but my parents got to visit me whenever they have some spare time. They insisted na magkaroon na ako ng sariling bahay para at least ay makapag-prepare ako incase na gusto kong magkapamilya, but I know better, gusto lang nilang ma-solo ang isa't isa.
"Nag-set ako ng dinner. Your aunties and cousins will be arriving any minute soon."
Iginaya ako ni Dad sa loob ng bahay at kita ko agad si Mom na tinutulungan si Yaya na i-set up ang dining table malapit sa pool.
"Hi Mom," agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Honey, i've missed you. Kamusta ang trabaho?" Iniwan niya muna ang mga plates para harapin ako.
"Natapos ho ako nang maaga at wala kasi kanina si Sir sa office, nag-ikot siya sa pinapatayong building sa University."
"Buti naman at hindi ka masyadong nas-stress. Well, get yourself ready. Chop, chop!" Napatawa ako. Wala pa ring pinagbago si Mom.
Aakyat ma sana ako sa kwarto nung marinig ang pahabol na tanong ni Mom.
"What's that?" Napatingin ako sa hawak kong tinuro niya.
"S-sketchpad, a student left it in the office earlier. Nakalimutan ko kung sino." Napatango si Mom at pumunta na ng salas para kausapin si Dad.
Habang nagbibihis ay hindi ko maiwasang mapatingin sa sketchpad na nasa study table ko.
WHW
Binasa ko ang pang-ibabang labi nung naa-atat akong buksan na iyun.
"Patience," bulong ko habang sinusuot ang zara sandals ko.
"Coming!" sigaw ko nung marinig ang mga boses ng pinsan ko.
.
"Hello po," I greeted my uncles and aunties. Nagbeso ako sa kanila at hinawi ang buhok ko.
"You look so dashing as always, iha. What a blessing you are to our family, having a perfect face like that." Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ni Tita Michelle.
"Thank you, Tita. Nasa lahi na kaya hindi na nakakapagtaka," biro ko at napangisi sila.
"Shall we?" Iginaya na kami ni Dad papunta sa poolside at agad namang nagsitayo ang mga pinsan ko nung makita ako.
"Xylandria!" Napairap ako. Here we go again, alam naman nila kung gaano ko ka-ayaw tawagin sa full name ko.
"Na-miss ka namin."
"Ang tagal na natin na hindi nakakapag-outing." Napangiti ako na kahit matagal na kaming hindi nagkikita ng mga pinsan ko ay wala pa ring pinagbago.
"Madami kayang trabaho."
"Dami raw trabaho pero never pa niya tayong nilibre," parinig ni Timothy, ang 17 year-old na pinsan ko na anak ni Tita Samantha at Tito Rex.
"Libre ko kayo next time. Outing tayo, sarap niyong pag-untugin." Nagtawanan sila. Nagparinig din naman kasi si Sabrina tungkol sa outing. Sosyal talaga ang isang 'to.
Apat silang pinsan ko. Si Timothy at Arthur ay magkambal. Si Sabrina na 19 year-old naman ay anak nina Tita Esther at Tito Martin, at ang 12 year-old na si Tina, anak ni Tito Art at Tita Michelle.
"Mabuti naman ay mabait sa iyo si Mr. Gutierrez," sambit ni Tita Samantha.
"Oo, masipag naman kasi ako, Tita," nakangiting sagot ko habang nilalagyan ng green salad ang pinggan ko.
"Mahihiya siyang pagalitan ka, ate, mala-diyosa nga naman ang secretary niya," biro ni Arthur at tumatango-tango silang tumawa.
"Bolero ka talaga," saad ko kay Arthur.
"Ate, why don't you have a boyfriend? As in never kang nagka-boyfriend. Bakit? You're so jaw-droppingly gorgeous!" Napahalakhak kami sa turan ni Tina.
"Alam mo kasi, Tina, when you grow up, not everything is about love. I have priorities that's why I don't have a boyfriend until now." Tumango-tango ito pero sumagot din, "what is your priority now, ate? You have work and a house. All you need is a boyfriend."
"May point yung pinsan mo, Andria," dagdag ni Tito Martin.
"Ba't kasi hindi ka pa nagbo-boyfriend?"
... At napagkaisahan na nila ako. Sumali rin si Dad at Mom na dinidiin na may kinikita ako.
"Hindi naman kami magagalit kung may boyfriend ka. Nasa tamang edad ka naman, Andria."
"Dad naman. Promise, wala pa talaga akong boyfriend. Kung meron man ay ipakilala ko agad, don't worry guys."
I was glad when the 'boyfriend' topic eventually died.
"Guys i'll excuse myself na. Maaga pa ako bukas." Inirapan ko sila nung nagsi-boo silang lahat, especially ang mga pinsan ko.
"KJ mo naman, ate!" Panunuya sa akin ni Timothy habang may hawak na San Mig Apple.
"Babawi ako sa susunod. Kailangan kong pumasok bukas," humihikab kong excuse at agad naman silang napasimangot.
"Good night, ate!"
It was just a made-up excuse. Nai-intriga lang ako sa sketchpad. Kahit nung nasa hapag kanina ay lumilipad yung utak ko at naa-atat na umalis.
There's a deep reason kung bakit hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Hindi dahil inuuna ko talaga ang priorities ko kundi dahil i'm willing to wait.
A lot of people say na wala pa akong boyfriend dahil sobrang taas ng standard ko. Well, it's expected. Maganda talaga ako, hindi ako nagiging mayabang, I just know my worth. I don't believe in fairytales, loving is a decision, not an emotion because feelings last. It's a decision to stay with someone.
I changed into my pajamas and let my hair down. Humila ako ng upuan at sinimulan nang buksan ang sketchpad.
Life is a fictional book. There are so many different characters that you even forget their roles and characteristics. Every plot is decided by how creative your imagination is. Life is the most complicated book, it jumps from one genre to another. It's either you fly in the air riding an elephant or solving a murder case, but it depends on your decision how you want it to end... or do you even plan to end it at all?