Date: January 1, 1897
Location: Pandi, Bulacan
Pagsabog. Puro pagsabog at labanan ang nagaganap. Dugo, itak, b***l at bomba ang makikita sa buong paligid. Mga nangamatay at naghihingalong sundalo ng espanya at mga katipunero ng Pilipinas.
Ang tanging nasa isip lamang ni Luisito ay ang ipaglaban ang kanyang kalayaan—ang kalayaan ng bansang pinagmulan at ang kalayaang umibig sa isang marikit na binibini.
Nagtago sa likod ng malaking puno ng Narra sina Luisito, kasama ang kaniyang isang kaibigan. Alam nilang sa sandaling bumalik sila sa labanan, tiyak na ang kanilang kamatayan. Mabilis ang pag-agos ng dugo sa mga sugat nila at wala silang magawa kung hindi ay indahin na lamang ito.
“Luisito! Hindi na natin sila kaya kailangan nating umalis sa lalong madaling panahon at iulat ang mga nangyayari kay Andres!”, malakas na sigaw ng kanyang kapatiran na si Emmanuel sa kaniya.
Kahit na napakalakas na nito ay ultimo kakaunti lamang sa mga binigkas ni Emmanuel ang kaniyang narinig dahil na rin sa sabay sabay na pagsabog.
“Hindi maaari Emmanuel! Hindi natin pwedeng iwanan ang ating mga kapanalig. Kung gusto mo ay ikaw na lang ang umalis at mag-ulat sa kataas-taasan. Dito lamang ako”, sagot ni Luisito at pilit na iniinda ang mga sakit dulot ng sugat sa buong parte ng katawan.
Hindi na niya magalaw at maramdaman ang mga ito dahil na rin siguro sa halos limang oras na pakikipaglaban.
“Luisito, kung ika’y mananatili, tiyak na ang iyong kamatayan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Josefina. Isipin mo Luisito ang iyong nobya!”
Pilit na ngiti ang iginawad ni Luisito sa kaibigan kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata nito. Mas pipiliin niyang lumaban para sa bansa dahil para sa kaniya, mas maganda kung magiging malaya ang Pilipinas na gawin ang kahit na anong ninanais nito nang walang dumidikta sa bawat kilos at galaw nito.
“Walang saysay ang aming pagiibigan kung hindi rin naman ito sasang-ayunan ng kaniyang pamilya. Maaari pa niyang ikamatay ito, lalo na’t kadugo niya ang kapitan-heneral.”
Hinarap niya ang kaibigan at binigay ang isang dyamanteng singsing dito. Siya mismo ang gumawa nito matapos mahukay ang isang dyamante sa isang kweba na kaniyang pinagtataguan noon.
“Emmanuel, nais kong ibigay mo ang singsing na ito kay Josefina. Alam kong alam na niya ang ibig sabihin nito dahil hindi ako ang personal na nagbigay sa kaniya ng singsing na ito. Nais kong sabihin mo sa kaniya na tunay ko siyang minamahal, higit pa sa aking sarili. Gusto kong malaman niya na kahit wala na ako ay babantayan ko siya at mananatili pa rin ako sa tabi niya, nagmamahal at gumagabay sa kaniya”, wika ni Luisito habang pumipikit at iniinda ang mga sakit, hindi lamang dahil sa kaniyang mga sugat ngunit dahil sa puso niyang nagdurugo na rin dahil sa sobrang pagdurusa.
“Hindi ko hahayaan na hindi ikaw ang personal na mag-abot nito sa kaniya. Makakaalis tayo dito ng sabay.”
Mabilis na umiling si Luisito at ngumiti sa kaibigan bago mabilis na pumasok ulit sa labanan. Alam niyang sa pagkakataong ito ay hindi na siya maaaring sundan ni Emmanuel dahil sa mabilis na kilos niya at malala na tama ng b***l ng kaniyang kaibigan sa kaniyang paa.
Kailangang makaalis ng kaniyang kapanalig ng buhay, hindi lamang para i-ulat ang mga nangyayari sa kataas-taasan kundi ibigay ang huling habilin nito sa kaniyang minamahal.
Bago tuluyang makapasok sa labanan ay lumingon si Luisito at tinanaw ang kaibigan na paika-ika ngunit mabilis na binabalangkas ang daan paalis sa labanan, mahigpit at ingat na ingat na hawak ang singsing.
Ngiti at luha ang sabay na namayani sa mukha ni Luisito habang binabalik ang tingin sa labanang hinihiling niya na sana ay matapos na.
~•~
Date: January 1, 2017
Location: Pandi, Bulacan
“Criszelle! Where’s the next page? Ano ba?! Deadline mo na nga ngayon at kulang kulang pa ang pinasa mo. You should know that halos wala ng nagbabasa ng mga dyaryo natin knowing that our biggest rival is the technology. Ayusin mo nga ang trabaho mo!”, nakakairitang sigaw ng isang editor.
Nakakairita ito para kay Criszelle dahil halos paulit ulit na niya itong naririnig sa lalaki. Tila ba isang sirang plaka kung maituturing ang editor niya na ito. Kung hindi lang siya pinilit ng kaniyang kaibigan na magtrabaho dito noong nakaraang buwan ay hindi niya ito gagawin.
Hindi rin maalis sa isipan niya na pinilit silang pagtrabahuhin ng kanilang boss gayong holiday dapat ngayon. Dapat ay nasa kani-kanilang mga pamilya sila at nagsasalo-salo pero wala silang magawa, maliban na lang sa kaniya na laging binabara at sinusungitan ang boss nila. Maliit na nga lang ang kinikita niya dito, hindi pa siya pwedeng umalis dahil sa naging pustahan nila ng kaibigang si Desiree.
Sa pagkaka-alam nito, walang nakakatagal sa kompanyang ito. Lahat sila ay umalis ng wala pang isang buwan dahil na rin sa editor-in-chief nila.
“Sir, nandyan po ang next page. Hindi ko po alam kung bulag po ba kayo o nagtatanga-tangahan lang. Well, you know what? Fire me then! If that’s what you want! Ako na nga lang ang natitirang editorial news writer niyo eh dahil walang taong nakakatiis dyan sa ugali niyo. Kaya walang nagbabasa ng mga dyaryo niyo eh kasi nababasa at nararamdaman nila na may bad vibes ang dyaryo niyo!”
Agaw-atensyon ang sigawan nilang dalawa. Lahat ng staffs at writers na nanonood ay hawak-hawak ang kanilang mga cellphone at vinivideohan ang pagtatalo nila.
Alam niyang kung may magpopost man ng video na iyon ay sigurado siyang magiging sikat na usapin iyon.
“Okay then go! Umalis ka na! Hindi kita kailangan dito!"
Hindi sumagot si Criszelle at mabilis na kinuha na lamang ang kaniyang bag at iba pang mga gamit.
Narinig niyang tumawa ng mahina ang boss niya. "So aalis ka talaga, huh? Tignan natin kung may tatanggap pa sa'yo." Nakangisi ang editor niya habang tinuturo ang mga cellphone na ngayon ay nakatutok kay Criszelle.
Walang emosyon na tumingin si Criszelle sa kaniyang boss habang binubuksan ang isang file sa kaniyang computer.
Nanlaki ang mga mata nito ng mapag-alaman kung ano ang nakalagay sa screen nito. "P-Paano..."
Nagsimula ang mga bulungan sa buong kwarto.
Nakalagay sa file ang lahat ng mga articles na ninakaw ng editor-in-chief sa ibang mga manunulat na hindi naman sakop ng kaniyang kompanya.
"S-Saan mo nakuha iyan? Hindi iyan totoo!", sigaw ng lalaki kay Criszelle pero tipid na ngiti lamang ang binigay ng dalaga dito. "Itigil niyo yung pagvivideo!"
Kahit ano mang sigaw ng editor-in-chief ay wala rin siyang magagawa. Mabilis na inupload ni Criszelle ang file at ang isang buong eksplanasyon tungkol dito sa kaniyang blog bago naglakad papaalis.
Sumigaw pa ang lalaki sa kaniya pero hindi na siya lumingon dito at binuksan na lamang ang pinto palabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas niya sa building ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang kaibigan. “Hoy girl! Nabalitaan ko yung ginawa mo sa boss mo. Naku, pangit ba yung nirecommend ko? Sorry ah, pero girl! Ang amazing mo doon ah, dahil dyan gusto mo magshopping? Libre ko. Well, dahil din naman sa akin kaya bad vibes ka ngayon. Dapat pala hindi ko na nirecommend iyan sa’yo.”
She then again look at the caller. ‘Tsk, it’s Desiree Agaton, ang dakilang chismosa s***h model ng bayan’, sabi niya sa kaniyang isip.
“Hindi na ako magtataka kung bakit ang bilis umabot ng balita sa iyo. Kakalabas ko pa lang ng building oh. Sunduin mo na lang ako dito then papayag ako na magshopping kasama ka.”
“Yes naman girl! Alam kong hindi mo ko mahihindian. I love you! Mwah! Bye bye!” Binaba na din ni Criszelle ang telepono.
Napabuntong hininga na lamang si Criszelle at umupo sa bench para maghintay sa kaibigan niyang susundo sa kaniya. Wala pang ilang minuto ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa isa din niyang kaibigan at kababata.
“Hey, Raiden. Bakit ka napatawag?”, nagtatakang tanong niya.
“Well, I heard na umalis ka daw sa trabaho mo and you made some scene. Kamusta?”
‘Si Desiree na naman ang nagpakalat ng balitang ito. Hindi na ako magtataka kung pati ang iba pa naming mga kaibigan ay alam din ang tungkol dito’, she said to herself.
“Hey, Crisz, nandyan ka pa ba?”
Napabalik siya sa wisyo ng magsalita ulit si Raiden.
“Ahh, oo naman Den. Ayun, ayos naman. Wala namang nangyaring masama”, sagot ni Criszelle.
“Kung wala kang trabaho ngayon, you can be a writer dito sa akin”, pagaalok ng kaibigan.
“No, ayos lang. At saka, puro history ang sinusulat niyo. Alam mo namang bagsak ako sa subject na yan nung high school. Opinions and feature news lang ang kaya kong gawin. Magfofocus na lang muna ako ngayon sa blog ko at sa pagsusulat ng maraming books. If may interesting ka ulit na subject ng book like the book we wrote before then maybe I'll try.”
“If that’s what you want.”
Pagkasabi na pagkasabi ni Raiden noon ay agad may bumusinang sasakyan sa harapan niya. Red Porsche, very Desiree’s style.
“I’m going to hung up na. Andito na si Desiree”, sabi nito kay Raiden at binaba na ang tawag.
Pumasok na siya sa kotse, katabi ng driver seat at nagsuot ng seatbelt. “Hoy, ang daldal mo talaga. Pinagkalat mo na naman yung balita noh?”, tanong ni Criszelle kay Desiree habang nagaayos ng seatbelt.
Ngiti ang itinugon ni Desiree sa kaibigan at sinagot ang tanong nito. “Si Raiden lang naman ang pinagsabihan ko since kinamusta ka niya sa akin sakto pagkaalam ko ng balita but hindi ko pa sinasabi sa iba yung tungkol doon.”
“What? ‘Pa?’ So may balak ka talaga sis?”, tanong ni Criszelle sa kaniya na ikingiti lang nito.
‘Well, she’s my friend. Hayst, paano ko ba kasi ito naging kaibigan?’, tanong ni Criszelle sa kaniyang isip.
“Anyways, attend ka ng fashion show ko next week ah. Ininvite ko na rin sina Raiden, Nhikolei at Michelle pero mukhang kayong dalawa lang ni Raiden ang makakaattend. Si Michelle busy sa States since mukhang may bago na naman silang ginagawang research sa NASA then si Nhikolei naman ay busy sa school works. Well, you know, psychology stuff. Ewan ko ba sa taong iyon at nahilig sa mga ganoong bagay.”
Criszelle just shrud her shoulders. Wala siyang maisasagot sa kaibigan. Even Criszelle didn’t know the reason kung bakit nagshift ng course ang kaibigan nila. Gagraduate na sana si Nhikolei ng Architecture kasabay nila noong college pero at the middle of their fourth year ay nagshift ang kaibigan. From Architecture to Psychology. Since mag-isa lang sa buhay at siya naman ang nagpapaaral sa sarili niya, walang humadlang sa gusto ni Nhikolei. Now he’s in his third year at masasabi ni Criszelle na masaya naman ang kaibigan sa napiling desisyon.
“Kailan? Next week?”, she asked her friend na ikinatango nito.
“Nasa bag yung invitation, kunin mo na lang”, sabi ni Desiree.
Kinuha ni Criszelle ang bag nito na nasa likod ng kotse. She opened it at tumambad sa kaniya ang mga gamit ni Desiree. Agad naman niyang nakita ang invitation pero napukaw ng tingin niya ang isang lumang mamahaling box. She opened it and was surprised by a very elegant diamond ring. It looks like an old ring ngunit makikita pa rin ang tibay at ganda nito.
“Hey Desiree, what’s with this ring?”, tanong ni Criszelle habang ipinapakita ang singsing sa kaibigan.
“Pinamana ni daddy sa akin. Ewan. Sabi niya dapat sa lalaki daw na anak, eh wala naman siyang lalaking anak. Only child nga ako ‘diba? So kinuha ko na. Kanina lang naman ‘yan naibigay sa akin nung may kinuha akong dress sa bahay ng parents ko. Itatago ko dapat yan sa bahay ko pagkauwi ko. Ang ganda ‘di ba?”, tanong ni Desiree kay Criszelle.
“Yes it is. Ang ganda ng pagkakagawa. Maybe if ibebenta ito nasa millions ang halaga. It’s a pink diamond at base sa sinabi mo, ipinamana sa iyo so it means napakatagal na nitong singsing na ito. And the ring was also made from gold. Naku sis, jackpot ka dito.”
“Gustuhin ko man na ibenta itong singsing ay hindi pwede. Baka patayin ako ng tatay ko. Mahirap na.”
Natatawang binalik ni Criszelle ang singsing sa box at kinuha ng invitation letter sa bag ni Desiree bago ito binalik sa dating pwesto.
Since nasa bandang province ang pinagtatrabahuhan ni Criszelle, puro puno at bukid ang makikita sa labas ng kotse bago makapunta sa city. There’s no other cars driving in highway maliban sa kanila. Maybe dahil lahat ng tao ay nasa city na.
Criszelle opened her bag at nagsimulang magretouch when suddenly the car stopped.
“Hey Des, what happened? Bakit tayo biglang huminto?”, nagtatakang tanong ni Criszelle habang binabalik ang gamit sa bag.
“I don’t know. Bigla na lang siyang huminto. May gas pa naman ako, ayos ang lahat bago ako umalis. I don’t know why it stopped."
“Wait, I will try to call some help”, sabi ni Criszelle. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang buksan ito ngunit hindi gumagana.
“What is it?”, Desiree asked her.
“This is impossible! Ayaw mabuksan ng phone ko. 76 percent pa naman ito nung huling tingin ko. Des, nakicreepyhan na ako dito.”
Sinubukan ni Desiree na buksan ang cellphone niya ngunit hindi din gumana. “Ayaw din!”
“Kung minamalas ka nga naman oh.” Bumaba si Criszelle sa kotse at naghanap ng ibang kotse na dadaan ngunit wala talaga ni isa ang dumadaan.
It’s like sila lang ang tao sa paligid. Puro puno ang makikita sa kahit saan and there is no sign of civilization everywhere.
“A-a-r-ay”
“Des, narinig mo ba yun?”, Criszelle asked her friend na kakababa lang ng sasakyan.
“Hear what?”
Isang malakas na kaluskos at ungol na ultimo'y nasasaktan ang narinig nilang dalawa.
“That!”, sigaw ni Criszelle. “Okay, it is like someone’s in pain”, dagdag pa nito.
“Why? Saan naman nanggagaling iyon?”, tanong ni Desiree.
Sinundan ni Criszelle ang tunog hanggang sa makarating siya sa tapat ng isang puno. It may be a tree of Molave or Acacia. Well, she doesn’t know the difference. She’s not fond of trees and plants ngunit isa lang ang alam niya ngayon. There is a guy full of blood in front of her.