Nakataas ang kilay ni Desiree habang matalim na nakatingin kay Criszelle. Naka-upo ngayon sa harapan niya ang kaibigan at si Luisito.
"Desiree, it is not what you think. Tinuturuan ko lang siya kung paano gamitin yung computer!"
Hindi sumagot si Desiree sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang wala naman talagang malisya ang nakita niya ngunit naeengganyo pa rin siyang asarin ang kaibigan niya lalo na't sobrang defensive nito.
"Sagutin mo muna yung nauna kong tanong. Bakit nandito iyang lalaking iyan?" Sabay turo kay Luisito.
Tahimik lamang si Luisito na nakikinig sa dalawa. Naiintindihan niya ang iba sa mga salita nila ngunit wala rito ang atensyon niya. Malalim niyang iniisip kung paano makakabalik sa kaniyang panahon at kung ano ang relasyon ni Criszelle sa kaniya at kay Josefina.
"Nhikolei brought him here. Wala naman akong choice dahil hindi naman daw pwede sa kanila makitulog si Luisito since Nhikolei brought someone to his house."
Nanlaki ang mga mata ni Desiree sa narinig. "What? Nhikolei brought someone to his house? Sino? Girlfriend niya?"
Nagkibit-balikat na lamang si Criszelle. "I also don't know. He didn't told me anything about it."
Tumango-tango si Desiree ngunit bumalik ulit ang atensyon niya kay Luisito. "Eh bakit dito? Sa dami-dami ng mga bahay dito pa niya napili."
Mahinang napatawa si Criszelle sa tinuran ng kaibigan. She knew Desiree likes Luisito and she also wants him in her house. But then, it still depends on Luisito's decision.
Isa pa, mukhang awkward si Luisito kay Desiree at kung magsasama ang dalawa sa iisang bahay ay g**o lamang ang mangyayari. It could also tarnish Desiree's reputation if she is caught living with a man under the same roof. Mahirap na at public figure pa naman ang kaibigan niya.
"Eh, ikaw? Bakit ka din nandito?" Balik na tanong ni Criszelle sa kaniya.
"Pinapunta ako dito ni Dad. Kawawa ka naman daw wala kang kasama sa bagong taon but, it seems like you aren't alone." Sabi ni Desiree habang nakangising nakatingin kay Luisito.
"Iyon lang ba pinunta mo dito?"
Tumango si Desiree.
"Pwede ka ng umalis."
"What?! Oh, c'mon. Frenny ko din kaya iyang si Luisito."
Lalapit na sana si Desiree kay Luisito nang pigilan siya ni Criszelle. "Stop it already. Umuwi ka na, gabi na."
Nagpumiglas si Desiree ngunit natalo siya ng lakas ni Criszelle. Pagkarating nila sa pinto ng bahay ay malungkot na tinignan si Desiree ang kaibigan, tila ba ay nagpapa-awa ito.
Criszelle rolled her eyes and slowly push Desiree out of her house bago ito sinaraduhan ng pinto.
"Ingat ka!" Sigaw niya kay Desiree.
"Hmp!" Sigaw pabalik ni Desiree bago naglakad papunta sa kotse nito.
Natatawang bumalik naman si Criszelle sa study niya at nakitang naka-upo pa rin si Luisito ngunit ngayon ay may hawak ng libro. Mayroon ding iba't ibang mga libro na nasa tabi nito.
"Hindi ko alam na studious pala ang lalaki g ito." Sabi ni Criszelle sa kaniyang sarili bago dumiretso sa kaniyang table at tinapos ang manuscript ng kaniyang libro.
Kinabukasan, nagising na lamang si Criszelle na nakahiga sa kwarto nito. Napatayo siya nang maalala na nasa study room siya nakatulog. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kaniyang kwarto.
"Oh my god. Oh my god." Kinakabahang sabi ni Criszelle habang iniinspeksyon ang sarili kung may kakaiba bang pagbabago sa kaniya.
"Criszelle?"
Napatingin si Criszelle sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses. Luisito?
"Pasok."
Binuksan ni Luisito ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Criszelle. May hawak itong mga pagkain at inumin.
Napanganga si Criszelle sa nakita. "What? Breakfast in bed?"
Binigyan ni Criszelle ng pilit na ngiti si Luisito matapos ilapag sa harapan niya ang mga pagkaing dala nito. "Thank you, ah."
"Huh?"
Napapikit na lamang si Criszelle nang maalala na hindi pala nakakaintindi ng Ingles ang lalaki. "Ibig kong sabihin, salamat."
Malawak na ngiti ang binigay ni Luisito sa babae. "Walang anuman."
"Nga pala, sino nagdala sa akin dito?" Tanong ni Criszelle habang nakatingin kay Luisito.
Mabilis na yumuko si Luisito sa dalaga.
"Patawad binibini kung hinawakan kita ng walang permiso ngunit hindi kasi kaaya-aya ang pwesto ng iyong pagtulog kaya't binuhat kita papunta dito sa iyong silid. Huwag kang mag-alala at wala naman akong ginawang masama sa iyo."
Napatahimik si Criszelle sa narinig. "Infernes, mabait naman pala siya even though medyo creepy and may pagka-old yung vibes niya" Sabi niya sa kaniyang isip.
"Bakit naman may paganito pa? Hindi ba medyo sobra naman yata ito?"
"Ito ba? Sabi ni Nhikolei gawin ko daw ito," sagot ni Luisito habang nagtatakang nakatingin sa akin.
Naningkit ang mga mata ni Criszelle sa narinig. "Nhikolei? Pumunta siya dito?"
Umiling si Luisito. "Kanina habang naglilinis ako, biglang may narinig akong kakaibigang tunog. Hinanap ko kung saan nanggaling iyong tunog na iyon at napadpad ako doon sa isang sulok ng sala. Mayroong isang bagay na parang isang laruan tapos noong kinuha ko iyon narinig ko iyong boses ni Nhikolei."
"Telepono iyon."
"Ahhh, telepono? Paanong naririnig ko ang boses ni Nhikolei mula doon eh wala naman siya dito?"
Ngumiti na lamang si Criszelle kay Luisito. "Hindi ko din alam basta ang alam ko kaya 'non magbigay ng mensahe kahit magkalayo kayo."
Tumango-tango si Luisito sa bagong nalaman.
"Then? Anong sinabi niya sa iyo?"
"Tinanong niya ako kung kamusta ka na daw ba at kung maayos daw ba ang unang gabi ko dito. Agad ko naman siyang sinagot. Pagkatapos noon ay nagbigay na siya ng iba't-ibang mga bilin tulad na lamang ng pagdalhan ka ng iyong pagkain ngayong umaga."
Napahawak sa kaniyang ulo si Criszelle. Nhikolei, Nhikolei, mukhang wala ka na namang magawa sa buhay mo at ako naman ang pinepeste mo.
"Kain ka na," Nakangiting saad ni Luisito sa dalaga.
Pilit na ngiti ang binigay ni Criszelle bago sinimulang kainin ang hinandang mga pagkain ni Luisito.
Nanlaki ang mga mata niya nang matikman ang inihandang mga putahe ng lalaki. "Ang galing mong magluto ah." Pagpupuri ng dalaga habang nilalantakan ang mga pagkain.
Nahihiyang ngumiti na lamang si Luisito. "Nga pala, maari bang manatili ako sa silid mo na puno ng mga aklat? Gusto ko lamang magbasa gayong wala naman akong masyadong magawa dito sa iyong tahanan."
Tumango si Criszelle tanda ng pagsang-ayon. "Pwede naman. Aalis din kasi ako mamaya since mayroong akong pupuntahan. Pwede mong basahin lahat ng libro doon."
Nagpasalamat si Luisito kay Criszelle bago dumiretso sa study room. Mabilis niyang itinuloy ang naudlot niyang pagbabasa.
Mabuti na lamang at naturuan siya noon magbasa kung kaya't naiintindihan niya ang mga nakalagay sa mga aklat.
Sunod-sunod niyang binasa ang kasaysayan ng Pilipinas at iba't-ibang mga kwento tungkol sa pangyayari noon sa labanan sa Katipunan.
Taga-Cavite siya ngunit napadpad siya sa Bulacan nang bisitahin ang kamag-anak ng kaniyang mga magulang. Doon na siya sumali sa Katipunan pagkatapos makita ng harap-harapan ang pang-aapi ng mga Espanyol sa maliit na baryo na kaniyang tinitirhan.
Nabasa niya sa mga aklat ang iba't-ibang mga nagawa ng ilan sa mga kilalang personalidad na may asosasyon sa Katipunan at sa rebolusyong naganap, tulad na lamang nina Jose Rizal, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo.
Isang malakas na tunog ang nagpabalik kay Luisito sa realidad kasabay ng sigaw ni Criszelle.
"Luisito! Aalis na ako, paki-bantayan na lang yung bahay tapos kung may kailangan ka tawagan mo lang ako doon sa telepono." Bilin ni Criszelle sa kaniya.
Lumabas si Luisito sa study room at nagpaalam sa dalaga bago ito tumakbo paalis.
Naglakad-lakad si Luisito sa loob ng bahay bago siya huminto sa tapat ng isang malaking bagay. Hindi niya alam kung ano ang bagay na iyon ngunit nakita na niya iyon sa ospital.
Hinawakan niya ang gilid nito at aksidenteng napindot ang isang button sa gilid na naging dahilan upang bumukas ito.
Takot ang namayani kay Luisito matapos makita ang iba't-ibang mga mukha na nagsisilabasan sa malaking bagay.
Mabilis siyang pumunta sa telepono at pinindot ang numero ni Criszelle na nakapaskil sa dingding.
"Hello? Wala pa akong isang oras umalis sa bahay, tumawag ka na agad. Anong kailangan mo?"
"M-May malaking bagay d-dito. Hindi ko alam kung ano iyon pero may mga tao sa loob niya."
Hindi maiwasang magtaka at mapaisip ng malalim si Criszelle sa narinig. Hanggang sa naalala niya ang TV niya sa sala.
Natatawang sinagot siya ni Criszelle. "Telebisyon ang tawag dyan, sa Ingles, Television at ang pinaikli ay T.V."
"T-Tibi?"
"Oo, oo. TV. Manood ka na lang dyan. Hindi yan nangangagat huwag kang mag-alala. Kailangan ko ng umalis."
"Sandali lamang—"
Hindi na naipagpatuloy ni Luisito ang sasabihin nang pinutol ni Criszelle ang tawag.
Binaba ni Luisito ang telepono at binalik ang tingin sa telebisyon. Dahan-dahan siyang umupo sa sofa at nanood.
Naengganyo naman siya sa pelikula na kaniyang pinapanood kahit na ang ilan sa mga lengguwaheng sinasambit nila ay hindi na naiintindihan.
Samantala, si Criszelle ay nasa bahay ni Raiden dala-dala ang libro na hiniram niya sa lalaki noong nakaraang buwan.
"What do you mean you brought a guy in your house? Hindi ba masyadong sobra naman na yata iyon?"
"Wala naman siyang ginawang masama and actually, I think may amnesia or mental illness siya. He speaks in full tagalog na kahit ako ay halos ma-nosebleed na kakausap sa kaniya."
"Are you sure you are okay with him living in your house? Hindi ba delikado? Lalaki siya, babae ka."
Mahinang napatawa si Criszelle sa sinabi ni Raiden. "I know you are being worried about me but, I really think he isn't that type of man. Sobrang inosente nga niya eh."
Nagkibit-balikat na lamang si Raiden bago tumayo at kumuha ng isang bowl of popcorn sa kusina niya. "But I am still warning you, you need to find his family as soon as you can."
"I know. I know."
Kinuha ni Criszelle ang cellphone niya at dumiretso sa kaniyang social media account. While she is scrolling, she accidentally saw an article about an unknown force na tumama sa Philippines kahapon. There were some reports that it might be a wormhole or just a space error.
"Ito siguro dahilan bakit babalik si Michelle dito sa bansa," Sabi ni sa kaniyang sarili.
"What? Babalik si Michelle?"
Mapang-asar na tumingin si Criszelle kay Raiden. "Excited ka ba? Nararamdaman mo na ba na bumibilis yung pagtibok ng puso mo sa saya at hindi ka na makapaghintay na makita siya?"
Mahinang hinampas ni Raiden si Criszelle ng libro sa ulo nito. "Hoy! Hindi noh. Syempre masaya ako na babalik siya."
"As a friend?"
Binigyan ng matalim na tingin ni Raiden ang kaibigan. "Yes, of course. As a friend."
Pilyong tumango-tango na lamang si Criszelle.
Pinagpatuloy nito ang pagscroll nang biglang lumabas ang number ng bahay nito sa caller niya. 'Ano na namang kailangan ng lalaking ito.'
"Yes? Ano na naman iyon?"
"CRISZELLE! MAY SUNOG!"
Napatayo si Criszelle sa narinig. "W-What?! Sunog? Saan?"
Gulat na napatingin si Raiden kay Criszelle. "Sunog?"
"Dito! May umuusok! Bilisan mo."
Mabilis na kinuha ni Criszelle ang bag at lumabas ng bahay ni Raiden. "Ihatid na kita," pag-aalok ng kaibigan.
Sumang-ayon naman si Criszelle at agad na dumiretso sa loob ng kotse ni Raiden.
Pagkarating nila sa bahay, binuksan agad ni Criszelle ang gate at pumasok sa loob. Kita nito ang maitim na usok na lumalabas sa bahay niya.
Narinig niyang sumunod sa kaniya papasok si Raiden ngunit hindi na niya pinansin iyon.
Pagkapasok niya sa kaniyang bahay ay hinanap agad niya si Luisito. Hindi naman naging mahirap para sa kaniya na hanapin ang lalaki gayong naka-upo ito sa sofa habang nanginginig.
"Nasaan yung sunog? Bakit umuusok?" Sunod-sunod na tanong nito pagkakita kay Luisito.
Dahan-dahang tinuro ng lalaki ang kusina. Pumanhik naman si Criszelle papunta doon at nakita ang microwave oven niya na sunog at umuusok.
"It seems like hindi na magagamit iyan," komento ni Raiden nang makita ang nasaksihan din ni Criszelle.
Napapikit si Criszelle at hinilot ang sintido. "Anong ginawa mo, Luisito?"
Ramdam niyang lumapit sa kaniya ang lalaki. "Mayroon akong nakita sa 'tibi' na nilagay niya yung pagkain sa loob niyan. Ginaya ko lang din kung anong ginawa noong lalaki doon. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Paumanhin, Binibini."
Raiden cleared his throat when he felt the awkward atmosphere. "Aalis na ako. Goodluck sa iyo," Sabi nito kay Luisito bago umalis.
'Sigurado akong kapag tumagal pa ang lalaking ito dito sa bahay, hindi lamang itong microwave ang masisira,' saad ni Criszelle sa kaniyang isip.
Malalim na bumuntong hininga si Criszelle bago humarap kay Luisito at binigyan ng pekeng ngiti. "Ayos lang. Microwave oven lang iyan. Ayos lang."
Naningkit ang mga mata ni Luisito ng mapansin na may kakaiba sa dalaga. "Ayos lang talaga? Papalitan ko na lamang iyan."
Mahinang natawa si Criszelle sa sinabi ni Luisito. "Huwag na. Huwag na. Ayos lang talaga." Hindi mo nga alam kung ano iyan, papalitan pa kaya.
Nagsimulang maglinis si Criszelle ng mga kalat. Tumulong na rin sa kaniya si Luisito.
"Kung matino lang sana pag-iisip mo, ideal guy na sana kita," bulong ni Criszelle.
Nang matapos silang maglinis ay biglang nakarinig sila ng doorbell.
"Ako na, dito ka lang," pagpapaalala ni Criszelle kay Luisito.
Tumango na lamang si Luisito at prenteng umupo sa sofa.
Pagkabalik ni Criszelle ay may dala na itong isang pinggan ng pagkain.
"Saan galing iyan?" Tanong ni Luisito.
"May nag-birthday kasi na kapitbahay," sagot ni Criszelle.
Nagtaka si Luisito sa bagong salitang narinig. "Birthday?"
"Kaarawan. May nagdiwang ng kaarawan sa kapitbahay," Pagpapaliwanag ni Criszelle.
Pagkalapag ni Criszelle ng plato ay agad siyang kumuha ng pinggan at nagsandok ng pagkain. Pagkatapos noon ay umupo siya sa tabi ni Luisito.
"Yung natirang pagkain, sa iyo na iyan."
Tumango si Luisito at dumiretso sa hapag. Habang kumakain, hindi niya maiwasang titigan si Criszelle.
Sa isip-isip niya'y mabait naman ang dalaga. Kahit na may nagawa siyang mali ay hindi siya sinabihan ng masama.
Gustuhin man niyang humanap ng paraan para makabalik sa kaniyang panahon, hindi niya alam kung saan magsisimula. Wala siyang magagawa kung wala siyang alam sa naging dahilan ng pagpunta niya rito.
Hindi siya nakapag-aral at ang tanging kaya niya lamang gawin maliban sa pakikipaglaban ay ang magbasa at magsulat.
"Luisito, ayos ka lang? Bakit ka nakatitig sa akin?"
Napatingin siya kay Criszelle nang magsalita ito. Hindi niya namalayang nakatayo na pala ang dalaga sa harapan niya.
"Weird," bulong ni Criszelle ngunit sakto lamang para marinig ni Luisito.
Hindi na niya pinansin iyon at nagpatuloy na lamang sa kaniyang pagkain.