Christina's POV
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata, kasabay ng paglanghap ko ng isang napakabangong amoy na hindi ko alam kung galing ba ito dito sa loob ng apartment ko. Bigla tuloy akong nagutom.
Umangat ako ng kaunti sa kama, pero agad naman akong napangiwi nang sumakit ang likod ko. Nasapo ko ang likod ko ng maalala ang nangyari kagabi. Nasira nga pala yung mesa habang binabayo ako ni Harper. Ito tuloy sakit ang inabot ko. Napakagat labi na lang ako ng maalala ko ang nangyari kagabi.
Napabuntong-hininga ako at umiling-iling. Ayaw kong isipin 'yon. Last na 'yon at hindi na mauulit pa. Siguro naman tatantanan na ako ng lalaking 'yon. Nakadalawa na siya at baka nga nagsawa na kaya sigurado akong hindi na mangungulit pa sa akin 'yon.
Hindi ko alam kung umalis na ba si Harper. Pinauwi ko na siya kagabi pagkatapos ng nangyari pero sa tingin ko hindi siya umuwi.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at naglakad patungong salamin. Pagharap ko roon, agad kong napansin ang sariling naka hubo't hubad pa. Hindi pala ako nakabihis pa kagabi. Nakatulog na ako dahil sa sakit ng likod ko.
Ang kalat sa paligid ng kwarto. Nagkalat ang mga saplot ko sa sahig.
Napangiwi ako at napakamot sa ulo. Nakita ko ang pajama ko sa gilid habang ang damit ko naman ay nasa may pintuan.
“Nasaan yung bra at panty ko?” napakamot ako ng wala sa oras.
Hinalughog ko na ang bawat sulok ng aking kwarto. Baka naman nasa sala naiwan pa kagabi.
Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa kama. Napansin ko ang isang pirasong papel nakapatong sa unan.
Kumunot ang noo ko. Nilapitan ko ito tsaka unti-unting kinuha. May nakasulat sa papel.
"I had to leave. I already made you breakfast. And by the way, I took your bra and panties… for remembrance."
Nanlaki ang mga mata ko.
“Ano?!”
Nasapo ko na lang noo ko, hindi makapaniwala.
Sa dinami-rami niyang puwedeng kunin bakit bra at panty ko pa? Sinadya pa talaga niya yung bagong hubad. Nakakainis ka na talaga Harper Dickson. Hindi ka lang pala pervert kundi magnanakaw ka pa ng panty.
Napailing na lang ako pero hindi ko rin naman napigilang mapangiti nang bahagya kahit naiinis.
“Baliw ka na talaga, Harper Dickson…”
Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Nabulabog lang ako ng marinig kong may kumakatok sa pinto.
"Ineng, nariyan ka pa ba?" narinig ko ang boses ng may-ari nitong apartment.
Nagmadali akong kumilos upang magbihis. Itinali ko na rin ang buhok ko. Pagkatapos ay tinahak ang pinto upang buksan ito.
"Manang, bakit po?" nakangiting tanong ko ng buksan ang pintuan. Alam kong pasimple niyang sinisilip ang loob. Baka akala niya may kasama ako.
"May narinig akong ingay kagabi. Hindi lang ako lumabas dahil napakadilim. Dito ba galing 'yon?"
"Ah, eh baka po yung pusa. Kumakalampag po sa bubong." napakamot ako sa ulo.
"Ganoon ba? Baka naglalandian na naman yung mga pusa. Akala ko kung ano na. O sige, sinigurado ko lang kung okay ka. Aalis na ako." paalam nito.
Nakahinga ako ng maluwag dahil umalis na ito. Hindi na pumasok pa sa loob. Sira pa naman ang mesa niya. Baka pagbabayarin pa ako. Marupok naman yung mesa niya kaya madaling nasira.
Ano kaya ang gagawin ko doon? Napakamot na lang tuloy ako sa ulo. Itatapon ko na lang 'yon at bibili ng bago kapag nagkatrabaho na ako.
Nagtungo ako sa kusina para kumain na. Nagugutom na talaga ako. May mga natatakpan sa mesa kaya tiningnan ko. Nang buksan ko ito sumalubong sa akin ang amoy ng tocino, sunny side egg, hotdog at fried rice. Napangiti ako bigla.
Hindi ko akalaing marunong pala magluto si Harper kahit simpleng pagkain lang. Maayos naman pagkakaluto niya. Hindi sunog. Tamang-tama lang.
Umupo na lang ako at nag-umpisa ng kumain. Sana naman walang gayuma 'to.
Pagkatapos kong kumain, hindi ko maiwasang mapangiti. Nabusog ako sa simpleng luto ni Harper. Kahit naiinis ako sa kaniya, hindi ko naman maiwasan ngumiti.
Napailing na lang ako habang naglalakad pabalik sa kwarto.
Pagkapasok ko tsaka ko naramdamang inaantok na naman ako. Dumiretso ako sa kama at umupo, pero bago pa ako tuluyang makapagpahinga narinig ko na ang pag-ring ng cellphone ko.
Napakunot ang noo ko at kinuha ito mula sa ibabaw ng kama. Tanging numero lang ang lumalabas. Hindi ko kilala.
“Baka si Cedric 'to." hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ito.
“Hello?”
“Good morning. Am I speaking with Christina?” maayos na boses ng isang babae ang sumagot mula sa kabilang linya.
Sino naman kaya ito?
“Yes, this is Christina. Who’s this?” sagot ko.
“This is from H.D Model Management one of our models backed out at the last minute, and your name came up. We’d like to offer you the spot.”
Nanlaki ang aking mga mata. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nagising bigla ang diwa ko.
“Wait… model?” napaupo ako nang tuwid. “But… I didn’t submit any resume. How did you get my number?” nagawa ko pa talagang magtanong.
Nakakapagtaka lang. Hindi naman siguro masama magtanong.
Sandaling natahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita ang babae.
“Does it really matter, Christina? Maraming paraan para malaman ang number mo. Nahulog mo kahapon ang iyong resume at ibinigay ito sa akin ng assistant ko. Malinaw na ba sa 'yo?"
“Ah… I see,” sagot ko. Hindi ko napansin 'yon. Baka nga nahulog ko. “S-so… when do I start?”
"Pumunta ka dito ngayon para ma-train ka muna namin."
"Ah, s-sige po. Pupunta ho ako kaagad diyan."
Ang lakas ng t***k ng puso ko. Sa wakas! May trabaho na ako. At hindi ko akalaing magiging model pa ako. Napatayo ako ng wala sa oras at tiningnan ang sarili sa salamin.
Matangkad naman ako. Maputi, makinis at maganda. May potential naman talaga akong maging model. Proud na proud sa sariling sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa salamin.