18- VISITOR

1585 Words
Third POV Sa loob ng marangyang Lorden Mansion, kumikislap ang malalaking chandelier habang ang mahabang dining table ay punong-puno ng pagkain. Isa-isa nang nagsidatingan ang pamilyang Dickson. Mga kapatid ni Harper. Hindi puwedeng wala sila sa 30th wedding anniversary ng Mommy at Daddy nila na sina Loren at Haden. Kararating lang nila Hope at Heaven. Pareho silang eleganteng nakabihis ng fitted dress. Hindi rin naman nagpatalo ang Mommy nilang si Loren. Sa edad nitong forty eight hindi mo maiiwasang mapahanga pa din dahil sa ganda pa rin nito at hubog ng katawan. “Everything looks perfect.” bulong ni Heaven habang pinagmamasdan ang mesa. “Of course, si Mom na naman siguro nag-ayos at naghanda nito. Ilang araw niya kayang pinaghandaan 'to.” sagot naman ni Hope na may ngiti. Nasa mesa na silang lahat, ngunit may kulang pa. “Where is Harper?” tanong ni Loren ng mapansing wala pa ito. "Mukhang hindi na naman siya darating." biglang naging malungkot ang mukha ni Loren. Special ang araw na ito kaya hiniling niyang nandito ang lahat. Napabuntong-hininga si Haden. “He’ll come. You know him.” Hinawakan ni Haden ang kamay niya. Ilang sandali pa, bumukas ang malaking pinto ng dining hall. “Sorry I’m late!" ani ni Harper habang papasok sa loob. Kaagad siyang lumapit sa kaniyang mga magulang habang may dalang bouquet. “Happy anniversary, Mom. Dad.” ginawaran ni Harper ng halik sa pisngi ang mommy niya habang ang daddy naman niya ay shake hands lang. Ngumiti si Loren habang tinanggap ang bulaklak na bigay ng anak niyang si Harper. “Thank you, sweetheart.” "You're welcome, Mom." Umupo si Harper, ngunit napansin niyang parehong nakangiti nang kakaiba sina Hope at Heaven sa kaniya. “Why are you two smiling like that?” tanong niya na puno ng pagtataka. Nagkatinginan ang magkapatid bago nagsalita si Heaven. “Mom, Dad… there’s something you should know.” Biglang naging tahimik ang paligid. Hinihintay rin ni Harper kung anong sasabihin ng nakatatandang kapatid nitong si Heaven. “What is it?” tanong ni Loren. Napangisi si Hope. “Harper is married.” abot taingang ngiti habang sinasabi iyon ni Hope. “What?” gulat na gulat si Loren, nanlaki ang mga mata. “Married? How did that happen? I just saw you yesterday buying napkins—uhm—excuse me. You were buying napkins for your girlfriend!” Napatawa sina Hope at Heaven. “No, Mom,” sabay nilang sabi. “Asawa niya na po 'yon.” “Harper?” tanong ni Haden, seryoso ang boses nito. Napakamot ng ulo si Harper. “Ahm…” “Totoo ba?” giit ni Loren. “You’re married?” “It’s just a—” “Harper!” putol ni Loren. “You hid this from us? Where is she? Dalhin mo siya dito. I want to meet her.” “Mom, hindi kami okay.” “What do you mean hindi kayo okay? I’m confused.” naguguluhang tanong ni Loren sa anak niya. “I mean… the marriage was forced. She hates me.” “My gosh, Harper!” napasinghap si Hope. “So you forced that woman to marry you? Oh come on, hindi ganoon ang pagkakilala ko sa 'yo. I mean, ikaw ang hinahabol ng mga babae.” "Hope!" saway ni Loren. “That’s not what happened.” depensa naman ni Harper. “Then what is it?” singit ni Heaven. “Who is she?” Lumapit si Loren nang bahagya, seryoso ang mukha. “I want to meet her,” madiing sabi ni Loren. “Sabihin mo kung saan siya nakatira.” Napakamot na lang si Harper sa ulo. Hindi niya akalaing ilalaglag siya ng dalawa. Alam niyang hindi titigil ang Mommy niya hangga’t hindi nito nalalaman ang buong katotohanan. ------ Christina's POV NAKABIHIS na ako, paalis na nga ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Ms. Gem ang tumatawag sa akin. Bakit kaya? "Hello, Ms. Gem? Good morning, napatawag ho kayo?" "Christina, huwag ka munang pumasok ngayon. Magpahinga ka muna." Natigilan ako. Ilang araw pa lang ang pasok ko pero pinapahinga niya na ako. "Ms. Gem, okay naman po ako. Wala ho akong sakit...isa pa, hindi naman nakakapagod ang pagngiti sa camera at pag-pose ng maraming bese—" "Sige na, Christina. Alam kong hindi nakakapagod pero kailangan mo magpahinga ngayon. Utos 'yan ng pinakamataas." "Pinakamataas?" natigilan ako ng maalala ko si Harper. Huwag niya sabihing siya na naman may pakana nito? Ang lalaking 'yon talaga. Palagi niya na lang pinapakialaman ang buhay ko. "G-ganoon ba. S-sige po." nalulungkot na sagot ko. "Pasensya ka na, Christina. Huwag kang mag-alala, bayad ang araw mo kahit hindi ka pumasok ngayon." "Ho?" mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko. Mukhang nabasa ni Ms. Gem ang nasa isip ko. Kailangan ko kasi talaga ng pera para makapagpadala na ako ng sweldo ni Chai. "Yes, Christina kaya relax ka lang diyan. Magpahinga ka." "S-sige po, salamat po, Ms. Gem." abot tainga nga ang ngiti ko. Hindi ako papasok pero may sweldo ako. Ang saya-saya ko! Sino ba naman ang hindi? Ang gagawin ko na lang ngayon ay maglilinis ng apartment at maglalaba ng aking underwear. Mabuti na rin ito. Wala na rin kasi akong maisusuot. Kaya naman ayos rin itong hindi ko pagpasok ngayon. Kahit papaano may nagawa ka rin maganda sa buhay ko, Harper Dickson. Bumalik ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos nga ay nagtungo ako sa labas. Binuksan ko ng malaking awang ang pintuan. Inihanda ko na rin ang mga labahin ko. Masikip sa banyo kaya dito ako sa veranda maglalaba. Kusot nga lang dahil wala pa naman akong washing machine. Paniguradong magkakasugat na naman itong mga kamay ko. Kaunti lang naman ito. Mga damit ko lang, siguro naman hindi magsusugatan ang kamay ko. Inumpisahan kong maglinis na muna sa sala, sinunod ko naman ang aking kwarto. Tinanggal ko na rin ang mga bedsheet at cover ng unan. Maging ang kumot ko ay inilagay na sa laundry basket. Pagkatapos ko nga maglinis ay lumabas na rin ako para simulan na ang paglalaba. Akala ko nga kaunti lang pero ito tinambakan ako ng bedsheet, pillow cover at kumot. Ayos lang. Kaya ko 'to. Pinuno ko ng tubig ang palanggana tsaka naupo sa maliit na upuan. Sisimulan ko na ang pagkusot. Mga kapitbahay ko nga ay napapatingin dito sa akin. Lahat ba naman sila may washing machine. Ako lang yata itong nagkukusot. "Ineng! Nariyan ka pala. Hindi ka pumasok?" Napalingon ako ng marinig ang boses ng may-ari nitong apartment. "Opo, Manang, pinapahinga ako ng boss ko. Kaya ito naglalaba na lang ako." "Ilang araw ka palang pumasok ah? Ang bait naman pala ng boss mo." "Kaya nga po." "May washing machine ako baka gusto mo muna hiramin? Mura lang naman ang singil ko." May bayad pa talaga? Sabagay, wala na talagang libre ngayon lalo na sa katulad niyang negosyante. "Hindi na ho kailangan, Manang kaunti lang naman 'to. Kaya na 'to ng mga kamay ko." "O sige, ikaw ang bahala." Sa wakas! Umalis na rin kaya nagpatuloy na ako sa pagkukusot ko. Ilang minuto ang lumipas natapos ko na ang bedsheet at mga damit ko. Sinunod ko na rin ang mga underwear ko. Hindi ko nga lang namalayan tapos na ako. Nagsasampay na lang ako. Habang nagsasampay ako ay narinig ko ang ingay ng mga kapitbahay ko. Kaya napahinto ako. Ano kayang pinagkakaguluhan nila? Hindi ko na lang ito pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagsasampay. Sigurado kasi akong matutuyo ang mga ito dahil sa init ng panahon ngayon. Papasok na ako sa loob ng biglang may nagsalita sa likuran ko. "Excuse me, Miss?" Napahinto ako. Boses ng lalaki 'yon. Unti-unti akong napalingon. Ganoon na lama g ang pag-awang ng labi ko ng makita kung sino itong lalaking nasa harapan ko. Este, hindi ko siya kilala pero shocks! Ang gwapo niya. Ang mga mata niya katulad rin ng mga mata ni Harper. Matangkad at mestiso rin ito. "Miss, are you Christina?" Tsaka ko lang naibaling ang paningin sa kasama ng lalaking tumawag sa akin. Isang babaeng medyo may edad na pero yung kutis niya mala porcelana at ang mukha niya ang ganda. "A-ako nga po. S-sino po sila?" tanong ko dito. Napatingin din ako sa dalawa pa nilang kasama naka-whole black at naka-shades ang mga ito. Sigurado akong bodyguard ang mga ito. Sino kaya ang mga ito? Mukhang mayaman. Sa klase pa lang ng pananamit at ang mga suot nitong alahas sigurado akong hindi peke ang mga yan. "I'm Loren, Mommy ni Harper." Nanlaki ang mga mata ko. Mommy ni Harper. Oh my goodness! anong ginagawa niya dito? Ngayon ko lang siya nakita. Ang ganda pala talaga ng momy ni Harper. Jusko! Nahihiya ang kagandahan ko. "Kilala mo si Harper hindi ba?" "Ah—o-opo." bumaluktot bigla ang dila ko. Kay Harper hindi ako nauutal pero sa Mommy niya ito ako naghahagilap ng masasabi. "A-ano po ang kailangan niyo sa 'kin?" kinakabahang tanong ko. Napangiti ito. "Huwag kang kabahan, Iha. Nandito ako para sunduin ka." "S-sunduin? S-saan niyo ho ako dadalhin?" Hindi muna ito sumagot. Sinuyod muna nito ng tingin ang kabuuan ng apartment ko. Oh my God; hindi ko nga pala sila inimbitahang pumasok sa loob. "Ahm! P-pasok po muna tayo sa loob. P-pasensya na maliit lang po itong apartment ko. W-wala pong aircon." hingi ko sa kanila ng pasensya. Napangiti ang poging lalaki na kasama ng Mommy ni Harper. Shocks! Bakit ang gwapo niya. May katapat rin pala ang kaguwapuhan ni Harper. Sino kaya 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD