2-KICK HIS BALLS

1246 Words
Christina's POV Akala ko, wala ng mas nakakainis pa sa pag-uwi ko dito sa Pilipinas, hindi ko akalaing meron pa palang mas higit pa. Paano ko matatanggap bilang asawa ang lalaking nanloko sa akin noon? Paano ko pakikisamahan ang lalaking babaero? Bakit sa dinami raming lalaki dito sa mundo bakit siya pa? That Harper Dickson is an asshole. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin noon. Sa halip na nakalimutan ko na, bumalik lang tuloy ang lahat ng alaalang 'yon sa akin. Si Harper Dickson na nakipaghalikan sa bestfriend ko. Sa dinami-raming babae bakit ang bestfriend ko pa? Naubusan na ba ng babae dito sa mundo? I will never forget the day I caught them. He was kissing my best friend the same way he used to kiss me. They’re both disgusting. Hindi ko na nga namalayan nakarating na ako sa bahay. Tuloy-tuloy nga akong pumasok ng gate dahil bukas naman ito. Hindi yata nagbabantay ang security guard. Binalingan ko ang guardhouse ngunit walang security guard doon. Nasaan na? Hindi bale na lang, hindi 'yon ang problema ko. Ang problema ko kung paano ko pakikiusapan sila Mommy na iatras ang kasal. Kahit pa siguro nakapirma na ako puwede pa naman sigurong iurong 'yon. Nandito na ako sa sala. Maraming nagbago sa bahay. Biglang lumuwag. Wala na ang mga gamit namin. Nasaan na? "Mommy! Daddy!" sigaw ko. Dumagundong ang boses ko dahil nga wala ng mga gamit dito sa bahay. As in kalbo na. Saan na napunta? Humakbang pa ako hanggang sa masilayan ko si Mom may kausap itong babae. Nasa sala sila at mukhang napakalungkot ng mukha ng mommy ko. Ano bang nangyayari? "Mommy?" Pareho silang napalingon sa akin. "Christina..." nagulat siya ng makita ako. Parang hindi pa niya inaasahan. Napatayo ito. "Anak, anong ginagawa mo dito?" Bakit ba niya tinatanong kung anong ginagawa ko dito? Natural, bahay namin 'to kaya ako nandito. "Mom, nakalimutan mo yatang anak mo 'ko. Bahay natin 'to. Bakit mo pa itinatanong kung bakit nandito ako. Kanina lang magkausap pa tayo. Nagkaroon ka ba ng amnesya?" "Anak, ang ibig kong sabihin bakit ka pa umuwi dito?" "Mom, bakit mukhang hindi kayo masayang umuwi ako dito? Talaga bang ipinamimigay niyo na ako sa Harper na 'yon? Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na ang Harper na 'yon pala ang pakakasalan ko. Mom, alam niyong niloko ako ng lalaking 'yon pero bakit? Bakit niyo 'ko ipapakasal sa kaniya?" "Ahm!" tumikhim ang babaeng kanina lang ay kausap ni Mommy. "A-anak, mamaya na lang natin pag-usapan 'yan. I-ito kasi kausap ko ang buyer ng bahay natin." "W-what?" nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi makapaniwala sa aking narinig. "T-tama bang narinig ko? B-buyer? Anong ibig sabihin—" "Anak, isa-isa lang." "Mom, ipaliwanag mo sa akin." Hinarap niya ang babae. Nagpaalam muna dito na mag-usap kami. Hinila niya ako palayo sa babae. "Anak, hindi na namin kayang bayaran ang utang ng daddy mo. Napakalaki ng utang niya sa banko. Tapos kanina, tumawag si Mr. Dickson, iaatras na raw niya ang kasal niyo." "E di mabuti." napahalukipkip ako. "Anak, nakikita mo naman naghihirap na tayo. Kapag hindi matutuloy ang kasal niyo ni Mr. Dickson mawawala sa atin ang lahat." "Mom, hayaan niyo ng mawala. Tutulungan ko kayong maibalik ang lahat ng 'yan kapag nag-umpisa na ako sa pagiging modelo." "Anak, hindi sapat 'yon." "Mom—" "Please...anak, pakiusapan mo si Mr. Dickson na Ituloy ang kasal para maibalik ang lahat ng ari-arian natin." "Mom, hindi bale ng mawala sa akin ang lahat huwag ko lang makasama sa iisang bubong ang manlolokong 'yon." Tinalikuran ko siya. Tinahak ko ang hagdan. Dala-dala ko ang maleta. Napahinto na lang ako ng biglang sumigaw si Mommy. "Oo, nga pala anak. Hanggang ngayon na lang tayo sa bahay na ito. Wala ka ng kwartong matutulugan sa gabing ito dahil kukunin na ito ni Mrs. Perez." Unti-unti akong napalingon kay Mommy. "A-anong sabi mo, Mom? Aalis tayo dito ngayong gabi?" Tumango siya. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin noong nasa State pa lang ko. Bakit ngayon niyo lang sinasabi 'to?" "Hindi ba't ayaw mong magpakasal kay Harper? Kanina lang tumawag siya...at lahat ng binigay niya ay binawi niya. Itong bahay, ang pera sa banko na inihulog niya...lahat-lahat binawi niya." "Ano?" nangunot ang noo ko. "Ngayon kung ayaw mong matulog sa kalsada kailangan mong kausapin ang asawa mo." "Hindi ko siya asawa." "Matutulog tayo sa bangketa kapag nagmatigas ka." "Hindi bale na lang." "Christina..." makaawa ni Mommy. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagod. Naikuyom ko ang aking mga palad at napapikit. Humingang malalim tsaka iminulat ang aking mga mata. "Okay, fine! Kakausapin ko si Harper." "T-talaga, anak?" biglang lumapad ang ngiti niya. "Kung 'yon ang gusto niyo." wala akong choice. Kahit ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon mapipilitan akong tingnan dahil sa nangyayari ngayon sa buhay namin. Ayaw ko sanang bumalik sa penthouse na pinanggalingan ko kanina pero ito ako tinatahak ang penthouse ni Harper Dickson. Nandito na ako sa tapat ng pintuan niya. Sinubukan kong mag-doorbell ng ilang beses ngunit wala namang sumasagot sa intercom. Aalis na sana ako ng mag-open ito. Tumambad sa akin ang isa sa mga lalaking sumalubong sa akin kanina. "Nandiyan ba ang boss niyo?" tanong ko dito. "Wala na siya dito, Ma'am." "Kung ganoon, nasaan?" Napatingin siya sa isang lalaki. Hindi ko alam kung bakit umiling ito na para bang pinagtatakpan ang kanilang boss. "Ma'am, ano ho ba kailangan niyo kay Mr. Dickson?" "Kailangan ko siyang makausap." "Kung gusto niyo ho siyang makausap. Puntahan niyo siya sa kaniyang opisina bukas." "Can you just tell me where he is? I want to talk to that asshole.” “What brought you back here?” Napatingin ako sa aking harapan. Bigla na lang siyang lumabas sa kung saang lungga. My lips parted in shock when I saw him half-naked, with a woman wrapped around his arm. My brows furrowed. Bigla na lang kumulo ang dugo ko sa inis. Mukhang katatapos lang nilang mag-s*x ng babaeng katabi niya. Nagkalat pa ang lipstick sa labi niya. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang gusto kong sabihin sa kaniya ngayong harap-harapan ko ng nakitang may babae siya. Hindi pa rin talaga siya nagbago. Babaero pa rin hanggang ngayon. “Did you change your mind, that’s why you’re here?” he smirked. Naglakad ako palapit sa kaniya. Akala yata niya magmamakaawa ako sa kaniya na ibalik ang perang binigay niya at ang bahay namin. No way! "Sino naman siya, Harper? Gusto mo ba ng threesome kaya mo siya pinapunta dito?" tanong ng babae. Sa inis ko sinamaan ko ito ng tingin. "Hoy! Babae! Hindi mo ba 'ko kilala? Ako lang naman ang asawa ng lalaking 'yan!" duro ko sa kaniyang pagmumukha tsaka ko binalingan si Harper. "Ikaw naman! Huwag na huwag ka ng umasang matutuloy pa ang kasal natin dahil kahit kailan hindi ako magpapakasal sa 'yo!" sa inis ko tinadyakan ko ang bayag niya. "f**k!" napasigaw siya sa sakit at kandaugaga sa pagsapo. "You deserve it." ngumiti ako na parang may halong pang-aasar bago ko ito tinalikuran. "Let’s see if you won’t come crawling back to me, Christina! I’ll make sure you'll come back to me and beg!” Harper shouted angrily as I finally walked out of his penthouse. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakasandal sa wall. Finally… I got my revenge on him. Sana lang sumabog ang balls niya sa sipa ko para hindi na siya magkaanak pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD