Chapter 25 "Pasensya kana sa mga ka-klase mo ha? Humihingi rin ako ng pasensya bilang Professor mo na hindi ko manlang ito maagang nagawaan ng paraan, ngayon lang ako nakapagsalita sa harap nila. Bilang Professor mo at pangalawang magulang dito sa Lazeu ay responsibilidad kita. Ang magulang dapat hindi hinahayaan na may isa sa mga anak niya ang inaapi." Hindi inaasahan ni Robin ang mga salitang 'yon sa kanyang Professor. "Ako ang nahihiya sa iyong Ama. Ngayon na wala na siya ay asahan mong babantayan kita at hindi na hahayaan na pagsalitaan pa ng hindi maganda ng mga ka-klase mo." Nahiya si Robin dahil hindi siya sanay na ganoon itrato ng mga Professor sa Lazeu. Akala niya ay walang nakakapansin ng mga ginagawa ng ibang estudyante sa kanya. Simula kasi noon ay madalas na siya mabully.

