Chapter 53 “Don’t cut your hair, bagay sa ‘yo ang mahabang buhok.” Nakagat ni Robin ang pang-ibabang labi nang marinig ang sinabi ni Alex. Nang maramdaman niyang nakatapos na ito sa pagtatali ng buhok niya ay naglakad paharap sa kanya si Alex. Yumukod ito at inipit nito ang nalaglag na buhok sa kanyang tainga. “You are beautiful,” sabi nito at bigla na lang siyang hinagkan sa ulo. “and you are mine.” Naging maingay nanaman sa loob ng gymnasium dahil sa nasaksihan ng lahat ang ginawa ni Alex. “Mamatay na mga inggit!” sabi naman ni Conny na muling ikinatawa ni Khia. Robin heard that. She heard his last sentence. Ibig bang sabihin ay may nararamdaman din ito para sa kanya? “Trust Alex, Robin. Mayroon siyang dahilan kung bakit hindi ka pa niya kinakausap tungkol sa bagay na ‘yan.” M

