Chapter 44 “R-Robin Simmonne?” Hinitak niya si Conny nang makita ang takot sa mukha ng estudyante, sinasabi na nga ba niya. Kaya’t hindi rin siya noon um-attend ng Foundation ay kung hindi siya binubully ng mga estudyante hindi naman siya gustong lapitan ng iba dahil sa takot na mapahamak at madamay ang mga ito sa mga taong ginagawan siya ng hindi maganda. “May problema ba?” tanong ni Daemon sa kanilang dalawa Napatingin siya sa lalake at umiling. “Wala namang problema, Daemon. Ikaw baka gusto mong magpahula?” Tanong niya sa lalake “Hindi ako naniniwala sa ganyan, kayo naniniwala?” Masamang tumingin si Conny sa sinabi ni Daemon, ang huli ay kaagad na itinaas ang dalawang kamay. Napangtawa si Robin dahil sa nakikita niyang inaasta ng dalawa. Parang aso at pusa ang mga ito. “Sabi ko

