Chapter 78 “Mahal na prinsesa?” Pinahid ni Robin ang mga luha na kumawala sa kaniyang mga mata. She’s happy! Nakausap niyang muli si Alex! Nang masiguro na wala nang bahid ng luha sa kaniyang mukha ay lumabas siya. Nakita niya si Jhie at si Phriya na may dala na muling mga pagkain para sa kaniya. “N-Narito na ako, hindi pa ako nakakapaligo, ang bilis niyo naman na dumating,” sabi niya sa dalawa. Nang mapatingin sa kaniya ang dalawang katulong ay napakunot ang noo ng mga ito. “Namumula ang iyong ilong at mga mata, napaano ang mga iyan?” tanong ni Phriya nang may pag-aalala.’’ Kaagad na umisip si Robin nang palusot sa tanong nito. “A-Ah, naalala ko kasi ang kasintahan ko, gusto ko na kasi siyang makita, ang tagal ko na kasi na nakakulong dito at hanggang ngayon ay nangungulila ako

