Chapter 46 Nakita niya si Alex na taban ang cellphone nito at diretsong nakatingin sa kanya. Natutop niya ang bibig nang makita ang sugat sa mukha at sa mga braso nito. Kaagad siyang lumapit sa lalake upang mas malapit na matingnan ang kalagayan nito. “A-Anong nangyari? Bakit may mga sugat ka?” tanong niya matapos ibaba ang cellphone Kinuha ni Robin ang kanyang panyo sa loob ng bulsa niya at itinali iyon sa braso ni Alex na nagdurugo. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinatalian ang braso nito na nagdurugo. “Ano ba ang nangyari?” may pag-aalala niyang tanong dito. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong ang kanilang paningin. Nakatingin din si Alex sa kanya habang tinatalian niya kanina ang sugat nito sa braso. “The Vampire Haven was attacked by the Black Wizards. I need

