Chapter 85

2077 Words

Chapter 85 “Hala!” “Lagot!” “Naku!” Ang tatlong nilalang sa kaniyang harapan ay maliliit at lumilipad. Kulay berde, dilaw at asul ang mga ito at mayroong mahahabang tainga. Mapupula ang mga pisngi at labi, mahahaba ang mga pilikmata at kumikinang ang mga pakpak nito. Hindi malaman ni Robin ang sasabihin nang makita ang tatlong maliliit na nilalang na lumilipad sa kaniyang harapan. Nagtago ang mga ito sa likod ng bawat isa at parang takot na takot na lumapit sa kaniya. “Kasalanan mo ito, Caca!” “Hindi! Kasalanan mo, Vava!” “Si Xaxa, ang may kasalanan!” Ang maliliit na boses ng mga ito ang naririnig niya sa buong silid. Nang makarinig ng yabag si Robin papalapit sa pinto ay kinabahan siya. Kaagad niyang tinungo ang pinto at pinakinggan ang mga yabag na narinig. “Shhh!” “Shhh!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD