Chapter 27 "What happened to you Robin? Naligo ka sa ulan?" Xandro said. Kasama nito si Alejandro na nginitian naman siya. Pauwi na siguro ang mga ito. Pasado alas kwatro na kasi ng hapon at maya-maya pa ay magsisilabasan na ang ibang estudyante. "Nabasa ako ng ulan." Sagot nya kay Xandro. Lumapit ito sa kanya at pupunasan sana ng panyo nito ang ulo niya ng hulihin ni Alex ang kamay ng kapatid at kunin ang panyo nito. "Give me my car keys Xandro. I will take her home." Sabi dito ni Alex. Ibinigay naman ni Xandro ang susi ngunit hindi pa rin maialus ang gulat ng ginawa nito kanina. Dati naman ay hindi ganoon si Alex kapag nagiging malapit si Xandro sa kanya. "Take care Robin. Uminom ka kaagad ng gamot pagka-uwi." Tumango ako kay Xandro at muling napatingin kay Alex na nakakunot ang

