Chapter 8
Pagkababa sa kanya ni Alex ay may kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. Napayuko si Robin dahil mula sa kanilang kinatatayuan ay tinatanaw sila ng mga estudyante hindi kalayuan. Tiyak na siya nanaman ang sentro mamaya sa klase. Baka may hindi nanaman magandang mangyari at kailangan niya iyong paghandaan.
Kabisado na niya kasi ang mga ito. Gustong-gusto ng kanyang mga ka-klase na pinag-uusapan siya at tuwang-tuwa and kapag napapamahak siya o hindi kaya naman ay pag pinagti-tripan nila.
Palagi kong tanong ay kung bakit ba hindi ako lumalaban? Bakit hindi ko ipinagtatanggol ang sarili ko?
"Salamat, Alex. Hindi ka na sana nag-abala pa. Maaari naman akong umuwi." Tiningnan siya sandali ni Alex ngunit ibinalik din nito ang paningin sa locker, at binuksan nito iyon.
"I was walking when I saw a black cat, I remember the black cat you were holding when I saw you on the library." Kaya pala. Nang tumalon ang pusa at tumakbo ay akala niya natakot ito nang paglaruan ng mga ka-klase niyang lalake.
"Your cat seems to be asking for help."
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya kaya nanatili akong tahimik. I saw him open his locker at kinuha ang mga damit na ipapahiram niya. Ayaw ko sana na manghiram pa sa kanya pero mukhang wala na din akong choice dahil may klase na kami ng alas onse.
Napabuntong hininga si Robin. Sa susunod ay alam na niya ang gagawin. Hindi na siya magpapabaya, Magdadala na siya ng extrang damit dahil mukhang kailangan niyang maging pa-ingat sa mga susunod na raw dahil dito.
"Hindi ko rin alam bakit ako ang palagi nilang napapagtripan."
Hindi rin niya inaasahan ang pangyayari kanina. Masaya pa siyang nakatanaw sa iba't-ibang klase ng mga bulaklak sa Garden ng Lazeu. Sadyang may mga klase ng estudyante talaga na mas gugustuhing mambully ng kapwa nila.
Isa sa bagay na hindi niya maintindihan.
"Here."
Ibinigay sa akin ni Alex ang damit at na sa tingin niyaay jogging pants nito. Maayos ang pagkakatupi ng mga iyon at kahit na hindi niya ilapit sa kanyang ilong ay naaamoy niya ang panlalakeng amoy nito.
"I only have my P.E pants and black shirt, I usually don't bring P.E shorts or jeans because I do not use it often. I think these will do."
Umiling si Robin kay Alex, "Okay na ito. Salamat dito." Naglakad siya para pumunta sa pinakamalapit na comfort room at bahagya niyang nilingon si Alex nang nakasunod pa rin ito sa kanya.
Hanggang saan siya nito susundan?
Si Xandro ay nagpunta sa Guidance office para ireport ang nangyari sa kanya kanina kaya't si Alex lang ang natirang kasama nya papunta rito. Dala-dala rin ni Xandro ang mga gamit nya at sasabihin niyang iyon daw ang proweba sakaling manghingi sa kanya ang mga staff doon.
"Ah.. okay na ako, pwede mo na akong iwan."
"No."
Bigla siyang napalingon kay Alex sa naging sagot nito. Mabilis at parang hindi na pinag-isipan ang isinagot niya sa kanya.
Kung tutuusin nga ay dapat wala siyang pakialam kahit na ginawan siya ng hindi maganda kanina ng mga kaklase nila kasi hindi naman niya ito kaibigan at lalong hindi naman nya ito ka-ano-ano para tulungan.
Mukhang hindi rin naman ito iyong tipo ng tao na bigla nalang magbibigay ng tulong. Mukha kasi itong arogante at masungit. Pero gwapo.
Robin naman!
Kastigo niya sa sarili.
"S-Salamat kanina, Pero pwede mo na akong iwan dito. Hindi namana ako susundan ng mga iyon at alam kong natakot na din sila sa 'yo at kay Xandro."
Humalukpikip si Alex sa harap niya at nagmuestra ito na tumalikod siya. Hindi niya mabasa ang nais iparating nito kaya itinuro niya pa ang sarili.
"A-Ano?"
"Go and change, I'll wait for you here."
Pagkasabi nito ay sumandal si Alex sa pader na malapit sa pinto ng comfort room. Mukhang hindi nga ito aalis. Ipinikit pa nito ang mga mata at humalukipkip. Tinitigan niya ito sandali at nang biglang kumabog ang dibdib niya kaagad siyang pumasok sa loob ng comfort room. Ano 'yon? Bakit biglang parang may dumagan na bagay sa dibdib niya?
Hindi maganda ito...
Maraming mga kababaihan ang nakatingin kanina sa labas at nakamatyag sa kanila. Napataban si Robin sa dibdib niya ng makaramdam ulit ng kakaiba.
Sobrang bilis ng t***k ng puso niya at parang anumang oras ay lalabas ang puso niya doon. Hindi rin niya maialis sa isip ang itsura ni Alex na nakapikit at parang naka paskil na iyon sa isipan niya.
"Ano bang nangyayari sa akin.."
Tumingin si Robin sa salamin. Basa ang damit niya at bakat ang kanyang panloob. Kahit na puti ang kanyang panloob ay halata pa rin iyon sa suot na uniform nang mabasa siya kanina.
Napabuntong hininga siya nang maalala ang nangyari sa Garden. Sobrang takot ang naramdaman niya dahil akala niya ay gagalawin siya ng mga lalake. Iyon ang unang beses na may humawak sa kanya, madalas ay pagtitripan lamang siya ng mga ito gamit ang mga bagay sa classroom. Tulad ng pagtago ng bag niya. Pagkalat ng mga gamit niya at halos lahat na ay hindi magagandang balita tungkol sa kanya.
"Buti na lang dumating si Alex."
Napataban si Robin sa kanyang dibdib dahil sa naramdaman niya kanina nang tumingin siya dito. Kakaiba ang pakiramdam na akala mo ay hinahabol siya sa sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya.
Nang mapagtantong matagal na siya sa harap nang salamin ay pumasok na siya sa isa sa cubicle ng comfort room at nagpalit ng damit. Nang makatapos magpalit ay inililis niya at itinupi ang manggas ng tshirt na suot dahil kinakain siya ng damit. Ganoon din ang P.E pants into na kinailangan niya pang itupi sa ibaba dahil sa haba.
Lumabas na si Robin sa comfort room nang makatapos magpalit. Hinubad niya ang sapatos na suot kanina dahil hindi na siya kumportableng isuot ito kaya't naka yapak nalang siya ngayon. Nasa pinto pa lang siya ng Comfort room ay naririnig niya ang usapan ng mga tao sa labas. Napayuko siya ng mapagtantong boses iyon ng mga babae. Mukhang kinakausap ng mga ito si Alex.
"Bakit mo ba siya dinala dito Alex?"
"Oo nga, buhat-buhat mo pa siya kanina ano ba ang nangyari kay Robin?"
"Saka bakit siya basang-basa?"
Huminga ng malalim si Robin bago lumabas ng comfort room. Tama nga siya ng naisip, pinapalibutan ngayon si Alex ng mga babae at kung paano niya ito iniwan kanina ay ganoon pa rin ang pwesto ngayon. Nakapikit pa rin ang mga mata at nakahalukipkip.
Tinitigan niya ito at hindi pa siya nagsasalita nang bigla itong dumilat at otomatikong naglakad papunta sa kanya.
Bigla namang nahati ang mga babae na nakapalibot kay Alex at nagkaroon ng daan para sa kanya. Napasimangot ako sa aking nakita.
Kung bakit napakadali para sa kanya na mapasunog ang mga ito kahit wala pang sinasabi? Parang tingin lang ni Alex alam na ng mga ito ang gagawin.
"Let's go."
Narinig niya ang pag-angal ng mga babae at nang tingnan niya ang mga ito ay masama ang tingin na ibinibigay ng mga ito sa kanya. Sa takot na may gawin na naman na masama ang mga ito ay umiling siya kay Alex. Maganda na iyong nag-iingat siya, ayaw na niyang mapahamak tulad kanina.
"Mauna ka na."
Sabi niya dito. Ang sumunod na ginawa nito ang hindi niya inaasahan. Kinuha ni Alex ang kamay niya at ipinagsalikop sa kamay nito. Napaawang ang kanyang mga labi sa gulat. Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa mga babae na nakamasid sa kanila. Ang iba ay hindi makapaniwala sa nakita. Halos mapanganga na ang mga ito.
"A-Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya at pilit na binabawi ang kamay pero mahigpit lamang itong taban ni Alex
"I told you, They don't matter."
Sabi nito at nagsimula nang maglakad. Narinig pa ni Robin ang pag-angal at reklamo ng mga babae, "Ano bang mayroon sa weird na 'yon?" , "Bakit siya pinapansin ni Alex?" "Siguro ay ginayuma niya!"
Iniisip ni Robin kung ano nanaman ang gagawin ng mga ito sa susunod na ikapapahamak niya. Siguro ay kailangan na niyang ihanda ang sarili niya dahil alam niyang hindi palalampasin ng mga ito ang nakita.
Napatingin si Robin kay Alex na hawak ang kamay niya habang naglalakad sila. Nauuna ito at likod lamang nito ang nakikita niya.
Matangkad si Alex, malapad ang likod nito at kayang-kaya nito siya na takpan sa pamamagitan ng katawan nito. Kaya nga itong ipinahiram na damit sa kanyang damit ay halos lamunin na siya sa laki, pero sino paba siya para magreklamo? Pinahiram na nga siya at nagmabuting loob iyong tao.
Bumababa pa ang tingin ni Robin hanggang sa magawi ang tingin niya sa pang-upo nito,
Mas sexy pa ata siya sa akin.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang marealise ang pumasok sa kanyang isipan.
H-Hala nakakahiya! Bakit ko siya tiningnan doon!
Robin bit her lower lip when she heard voives from the students. Ang sasama ng tingin sa kanya ng ibang mga studyante at ang mga kalalakihan naman ay tumatawa. Napayuko na lang siya at sinubukang bawiin ang kamay kay Alex ngunit mahigpit nitong taban 'yon.
She doesn't want to be the center of attraction pero hindi rin niya kayang baliwalain si Alex lalo pa at ito ang tumulong sa kanya.
Nang makarating sila sa classroom ay sila pa lang ang nandoon at wala pa ang iba. Hanggang sa makarating siya sa upuan niya ay hindi binitawan ni Alex ang kamay niya. When she reached her chair ay kaagad siyang naupo doon.
Pinagkiskis niya pa mula sa ilalim ang mga paa niya ng bahagyang makaramdam ng lamig.
Alex knelt his one knee na ikinagulat ni Robin.
"Ano bang ginagawa mo. Tumayo ka nga."
"Starting today you need to stick with me. I will be the one who's going to take you home after the class." Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi nito. Bakit ginagawa ni Alex ang lahat ng iyon? Bakit kailangan nitong gawin?
"H-Hindi mo naman ako responsibilidad saka isa pa kaya ko naman ang sarili ko-
"Yeah? Care to explain why did those human touch you?"
H-Human? Bakit kung makasabi ito ng human ay parang hindi ito tao katulad nila?
Ang bigat ng bawat salita nito ay hindi nakalampas sa kanyang pandinig. Nakakatakot. "Fckng humans."
Pero kung palaging nasa tabi niya si Alex ibig sabihin ay kailangan niyang tiisin ang bulungan tungkol sa kanya. Kailangan niyang magbingibingihan kapag pinag-uusapan siya ng mga kaklase niyang babae.
Dahil sigurado siyang hindi makakalampas sa mga mata at tainga ng mga ito na makakasama siya si Alex, at dahil nasa paaralan sila ay maraming makakakita.
"Kaya ko ang sarili ko. Saka hindi mo nga ako responsibilidad. Wala kang ginawang kasalanan, iyong sa puno ba? Nung natamaan mo ako ng mansanas sa ulo kaya kaba mabait sa akin kasi gusto mong makabawi dahil doon?"
Nagtataka na ngayon ang mukha nito na nakatingin sa kanya.
"Hindi mo kailangan bumawi dahil doon kasi maliit na bagay lang iyon para sa akin. Okay lang ako Alex. Wag na nga kasi. Baka kapag malapit ka sa akin ay mas mapahamak pa ako. Nakita mo ba kanina iyong mga babae dito sa school? Ang sama nila kung makatingin sa akin akala mo papatayin nila ako sa tingin."
"I will not let them do that."
Napakamot si Robin sa kanyang batok dahil hindi na niya alam ang sasabihin pa dito. Mukhang katulad kanina sa comfrot room ay sarili pa rin nito ang pakikinggan.
"Okay, pero bakit mo ito ginagawa? Sigurado ako na may dahilan hindi ba? Bakit? Kasi hindi mo naman ako kilala-
"I know you."
Okay, Oo nga at halos lahat naman ay kilala siya dahil anak siya ng Director ng school nila pero sa hindi magandang imahe siya nakilala.
Napailing siya kay Alex nang magtama ang mga mata nila. May kung ano sa mga bughaw na mga mata nito ngayon at hindi niya iyon maipaliwanag.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ako maaaring tumanggap ng tumanggap ng tulong sa 'yo kasi habang tinutulungan mo ako siguradong mas may mangyayaring hindi maganda sa akin."
Nang tumayo si Alex ay napayuko siya. Suko na ba siya? Suko na?
Siguro ay hindi na siya nito kukulitin pa at hanggang dito nalang ang pagtulong na tatanggapin niya mula rito. Mas mabuti na rin na walang masyadong malapit sa kanya para hindi na madamay sakaling may mangyari nanamang hindi maganda.
Iba din kasi ang ugali ng mga estudyante sa Academy na pinapasukan niya. Mukhang mabait ang mga ito, Ganoon sa una.
Tinanggap siya at kinaibigan, tinulungan niya sa notes at sa pagrereview para makapasa sa mga quiz at exam pero hindi niya alam na mababaliktad ang storya. Dahil palagi siyang nag ta top 1 ay nainggit sa kanya ang ibang mga kababaihan kaya't ginawaan siya ng hindi maganda.
Exam noon at hindi niya alam na sinet-up pala siya ng mga ito at naipatawag siya sa guidance dahil sa papel na nakaipit sa ilalim ng table niya. Naglalaman ang papel na iyon ng mga sagot sa exam nila.
Natatakot siya na baka may kapalit ang kabutihan ni Alexander.
Mga peke.. Hindi na dapat ako magtiwala sa kahit na sinong mag-aabot ng tulong sa akin. Dahil baka sa huli ay ako lang din ang magdusa.
Totoo rin naman kasi, Mabait ang mga estudyante sa Lazeu kapag kilalang mga tao ang pinag-uusapan. Sa kaso niya hinid siya kilala, anak nga siya ng Director pero hindi mabuti ang trato sa kanya ng ibang mga estudyante at iyon ang hindi niya malaman kung bakit.
Sa sobrang tagal na niyang nag-aaral sa Lazeu ay ni minsan hindi siya tinratong kaibigan ng mga kaklase. Wala siyang maraming kaibigan dito.
Dahilan din kung bakit kapag walang ginagawa ay mas pinipili niya sa library kaysa sa classroom at makihalubilo sa mga kaklase niya.
"No."
Napa face palm nalang is Robin sa sinabi nito at nang mag-angat siya ng tingin dito ay nandoon nanaman ang arogante nitong ekspresyon. Mukhang siya ang nakapag pa "On" nang badmood nito.