Chapter 64 "Ingatan mo ang anak ko, Nathalia. Huwag mo siyang pababayaan. Siya ang pag-asa at magbibigay ng kapayapaan sa mga nilalang sa lost world." “Makakaasa po kayo mahal na reyna. Hindi ko po pababayaan si Princeza Zoe, palagi ko po siyang babantayan. "Parang awa niyo na wag! Maawa kayo! " "Wag!" Napabalikwas ng bangon si Robin dahil sa panaginip na iyon. Nakita niya ang isang lugar na nagkakagulo, may nasusunog may mga taong humihingi ng tulong. Muli niyang nakita sa panaginip ang babaeng nagngangalang Nathalia at ang sanggol na babae ay muli niyang nakita. "Wag..." Bulong niya. Dinama ng kanyang mga palad ang pisngi dahil basa iyon, lumuluha na pala siya habang nananaginip. Pero mukhang hindi panaginip ang pangyayari. Parang totoo? "Kamusta na ang pakiramdam mo?" She saw K

