Chapter 2

2106 Words
Chapter 2 ~~ Life is full of suprises. Robin shake her head, seriously why does she need to still attend school kung pagdating niya doon ay hindi niya na kailangan pang pumasok dahil sasabihin lang din sa kanya ng mga professor niya na... "You may now go Miss Simonne dahil sa perfect ang score mo last meeting blah.. blah. blah.. you are allowed to not attend the class today.." Palagi naman na ganyan ang line ng mga professor niya sa tuwing papasok sya sa kanilang classroom. Seriously? Kailangan naba niyang kausapin ang mga magulang niya para itanong sa mga ito kung dapat paba siyang mag-aral? Her Mom would laugh at her kapag nalaman nito na pumapasok siya everyday para lang mamalagi sa library dahil ang mga Professors niya ay lagi siya ineexcempt sa mga classes dahil advance na masyado ang mga nalalaman niya. "Hija, Breakfast before go to school." Her Mom Romina said. She smiled when she heard her, Boses palang ng Mom niya dahilan na para gustuhin niya palaging gumising sa umaga at mag-agahan kasama ito at ang kanyang nakababatang kapatid. Ang kanyang Dad kasi ay maagang umaaalis para pumunta sa school 7:00 am palang ay dapat naroon na ito. Hindi pa niya nakakasabay ang Ama dahil ang simula ng klase niya ay 9:30 am. "Kentarou, be careful anak while drinking, The milk is hot." Paalala ng kanyang Mom sa kapatid. There she saw her with Kentarou her little brother carefully sipping his milk.  It is indeed a good morning seeing her Mother preparing breakfast for them..  "How's school yesterday Robin? Hindi kita natanong kagabi because of my business.." Ugali na ng Mom nya na tanungin siya kung anong nangyayari sa kanya sa school everday since pre-school siya. Nasa malayong parte sila ng syudad at nasa dulo ng kagubatan ang kanilang tinitirhan. Doon napili ng kanyang Ama mamalagi, kung ano ang dahilan ay hindi niya alam. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang nangyari 13 years ago sa pusod ng kagubatan ay hindi niya pa rin mapigilang hindi matakot. Parang kahapon lang nangyari ang lahat at sariwa pa rin sa ala-ala niya ang Lalakeng may pulang mga mata at pangil, lalo na ang Bata na mga gintong pares ng mga mata.  Hindi niya sinabi sa mga magulang ang tungkol dito dahil alam niyang sobrang mag-aalala ang kanyang mga magulang at iyon ay ayaw nyang mangyari.  Sa tuwing maaalala niya ang nakakatakot na pinagdaanan ay naririnig niya ang boses ng batang lalake.. "Next time wag kang masyadong lumapit sa pusod ng gubat masyadong delikado dito." "Nasaan na kaya sya.." Palagi niyang naaalala ang pangyayaring iyon sa gubat. Minsan pa ay napapanaginipan niya. Ngunit nagpapasalamat siya na hindi na naulit pa iyon at wala namang Bampira na nababalita sa bayan na umaatake.  "Hija? you're spacing out." Napatingin siya sa kanyang Mommy nang magsalita ito. Hindi niya namalayan na malalim na pala ang iniisip niya.  "I'm sorry, ano na nga po iyong tanong niyo Mommy?" She said as she took a glass of milk. "How's school? your dad told me na lagi kang nasa library dahil hindi kana pinapapasok ng mga prof mo sa subject niyo dahil advance kana." Akala nya hindi ng mga ito alam ang tungkol doon? She was wrong. Well after all her Dad has connections. Malalaman at malalaman ng mga ito dahil maraming kilalang tao ang Dad niya sa paaralang pinapasukan. Her Dad is the Director. Pero hindi sapat na dahilan ang pagiging Director ng Dad niya para hindi siya mabully sa school na pinapasukan. "Ah yes mom. Gustuhin ko man pong pumasok mabobored lang ako dahil sa..ahm.. alam ko na iyong pag-aaralan namin." she said, she doesn't want to sound like she's proud of it. But her Mom knows her too well. She heard her chuckled. Totoo naman din. Minsan ay nabobored na siya sa tuwing sa library nagpapalipas ng oras.  "Iniisip ko talaga kung saan ka nagmana ng katalinuhan? Hindi naman kami ganyan katalino ng daddy mo noong edad mo kami, But I'm not saying na bobo kame ha?" Ang sinabi ng kanyang Ina ay nasundan pa ng tawa.  She really love the tone laugh of her mother napaka gaan sa tainga.  "Mom, siguro it's because tambay ako ng library? mahilig lang talaga akong magbasa." "Siguro nga kaya din wala ka pang boyfriend na maipakilala kasi puro characters sa book ang kilalang mong lalake. hmm Ilang taon kana nga Anak? " "Mommy!" Napa nguso naman siya sa sinabi ng Mommy niya. Hinding hindi matatapos ang araw na hindi siya nito inaasar tungkol doon, nagsimula itong asarin siya ng mag 18 siya at wala manlang siyang ipinakilalang kaibigang lalake sa mga ito o higit pa mismo sa kaibigan. Robin stand ng masulyapan niya ang oras .  "Mom I need to go. Hey Kentarou Ate's going to school, be a good boy kay?" Baling niya sa three years old niyang kapatid. "Yesh, Yobin! Ingat Yobin!" The child said and kissed her cheeks. Lumapit naman siya sa Mommy niya at hinalikan niya ito sa noo. "Let's see each other later mom, and I'll make sure na may ikukwento akong bago na hindi lang hango sa libro." she said "Siguruhin mo yan ha?" "Opo.." "Sige, mamaya din kasi ay may pupuntahan kami ni Kentarou ipapatingin ko yung ipin nya sumasakit daw, bali sasamahan naman kami ng dad mo." Noong nakaraang gabi pa nga dumadaing ang kapatid niya na masakit raw ang ipin nito. Paano ay napakahilig sa matatamis. "Wisdom tooth lang yon Mom or dahil nalang din sa pagkahilig ni Kentarou sa chocolates." "Nako mabuti na yung sigurado, oh siya at baka malate kapa." She smiled and then waved at them. Robin took her bicycle, malapit lamang kasi sa kanila ang skwelahan na pinapasukan niya kung saan din nagtatrabaho ang Dad niya bilang director doon. But unlike in other story na mabuti ang pakikitungo ng mga studyante sa kanya dahil anak siya ng direktor sa skwelahang pinapasukan niya iba. Everyday iba iba ang rumor about sa kanya. ni andito ang may edited na picute na may kahalikan siya, nandito ang dinuduktor daw ng mga teacher ang papers niya para lang maipakita na perfect siya may photo pa niya na itinulak ang isang matanda habang tumatawid na halata namang edited. Ang dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanya ng ibang estudyante doon ay dahil sa angat siya sa school, kilala dahil sa matalino siya maganda marunong sa iba't ibang sports at self defense na siyang hinahangaan ng mga kalalakihan sa kanila. Naiinggit sa kanya ang iba dahil mas pinili niya ang mag-isa kesa makikaibigan na kung tutuusin ay nandyan lang para lang din sumikat. ayaw niya kase na gamitin siya ng ibang tao para mapalapit lang sa kanya dahil sa mga pansariling pangangailangan ng mga ito. Nang makarating si Robin sa skwelahan  ay inilock niya ang bike niya sa gilid. Minsan na kasing nawala ang bike niya at nakita nalang niya sa likod ng school na sira sira. Gusto nga ng Mom niya na ireport ang nangyayaring pambubully sa kanya pero sinabi niya dito na hindi na dapat patulan dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi siya gumagawa ng masama at mas lalo lamang siyang pag-iinitan ng mga taong gumagawa noon kung papansinin nya pa. Pagpasok niya sa loob ng classroom nila ay naupo na siya agad sa upuan niya at as usual iyong nasa likod at malapit sa bintana.  "Goodmorning class, it's your last year here in Lazeu University.. at dahil nasa last year niyo na kayo it's better to make up all your subjects kung meron kayong incomplete sa mga past subjects niyo ay mas mabuti pang ayusin niyo na.. Kilala ko kayo, kung kailan malapit na ang deadline ay saka nyo pa lamang gagawin ang mga kailangan na requirements." Nakatingin lang si Robin sa labas habang nagsasalita ang professor nila. Pilit niyang inaalala ang mukha ng batang lalake na tumulong sa kanya noon, It was odd because he can't remember the boy's face pero alam niyang may gold eyes ito at gray hair pero hindi na niya maalala pa ang itsura nito.  Robin sighed. Gusto niyang maalala ito ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na niya magawang maalala.  "Maybe it's best if I forget him?" Nang ibabalik na niya sana ang tingin sa professor nila ay nakuha ng paningin niya ang isang kulay itim na pusa na nakatingin sa kanya .  Nasa puno ito na katapat nang bintana kung nasaan siya. The cat was staring at her. Ibang klase ang itsura ng pusa. "Meow.." "Huh?"  "Meow.." Suddenly, the cat jump at dahil bukas ang bintana ay sa kandungan ni Robin bumagsak ang pusa. "W-Woah.." She caught the attention of her classmates dahil nadin sa kaingayan ng pusa. The girls stood at lumayo sa kanya. Napatingnin naman siya sa buong klase ng lahat na ng kaklase niya ay nakatingin sa kanya.  "Kyah! Cat! omg. omg. ilayo niyo yan sakin! allergic ako sa pusa!" Tili ng isang kaklase niya, Napakatinis ng boses nito at ang sakit sa tainga.  She wants to slap the girl dahil napaka over acting nito but naisip niya slapping her would be animal abuse. She look at the Cat on her lap at parang natutulog na ito.  "Miss simonne where did you get that cat?" Malumanay na tanong sa kanya ng professor nila ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang panginginig ng boses nito. Iyon ang isa sa hindi niya maipaliwanag. Bakit ang ibang Professor sa school nila ay takot sa kanya gayong ang mga studyante naman ay walang takot na ginagawaan siya ng hindi maganda. "The cat jump all the way from that tree." She said habang itinuro ang puno kung saan nanggaling ang pusa. Ang mga kaklase naman niya at Professor ay sinundan ng tingin ang puno na tinutukoy niya. Totoo naman ang sinabi niya. Biglang tumalon ang pusa sa kinauupuan niya at dahil bukas ang bintana ay nakatalon ito.  Kung hindi ang mga ito maniniwala ay wala naman siyang magagawa hindi rin niya ipipilit ang kanya. Dahil alam niyang hindi siya mananalo sa mga ito. "Huh! sir If I know dala ni Robin ang pusang iyan dahil alam niyang allergic ako sa mga pusa!" Sabi ng kaklase niya na hindi niya alam ang pangalan. She kew her face but not her name and come again? Dinala nya ang pusa dahil alam nyang allergic ito sa pusa? What the hell.. she didn't know her and her damn allergy. Ito ang isa sa ikinaiinis niya sa skwelahan, ang mga babae na mapaggawa ng storya at masyadong assumera.  Hindi nga sya madalas nasa classroom para mag-aral dahil lagi siyang excempted eh, kaya nga hindi masyadong pamilyar ang iba niyang mga kaklase sa kanya lalo na ang pangalan ng mga ito.  Hindi rin siya friendly, Lalo na ang mga babae na kaklase niya. Wala siyang maraming kaibigan sa school, ang iba din naman ay mga hindi totoong kaibigan. Nandyaan lang pag may kailangan. "I don't even know your name so why would I have to bring this cat?" She said calmly na siya namang ikinausok ng ilong ng babae. The girl stared at her for so long but she never turn her eyes. Hindi namana ito nagsalita pa, She didn't bow down, Hindi niya iniiwas ang tingin sa babae at nakipagtitigan dito. "Okay tama na iyan.. Miss Simonne take the cat and you are allowed to not enter the class because you already passed the two day topics na ibinigay ko noong nakaraan sa auditorium." Again.  She said to her mind. Wala nang salita na tumayo siya dala ang pusa at nilisan ang classroom habang naririnig pa niya ang salita ng mga klase.  "Excempted nanaman sa klase si Robin? Nice." "What?! yun ba yon sir?! Kung alam ko lang ginalingan ko na para excempted din ako!" Robin looked at the sleeping cat on her arms. Mukhang hindi naman ito nananakit dahil natutulog na ito ngayon sa bisig niya. Pero hindi ba at malas daw ang mga itim na pusa? Ang pusang  taban niya ay itim na itim ang kulay at may kakaibang mga mata. "Bawal ka sa library kaya saan kita dadalhin?"  Pampalipas oras sana niya sa library pero hindi naman niya maaaring ipasok ang pusa doon dahil bawal. Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ng kanilang paaralan ay nakatingin sa kanya ang ibang mga estudyante. Nagbubulungan pa ang mga ito habang nakatingin sa kanya.  She sighed. Palaging ganito sa school nila. Siya ang topic, Siya daw kasi ang weird na Anak ng Director ng Lazeu Academy.  Muli siyang napatingin sa pusa na gising na pala at ngayon ay namimilog ang mga mata na nakatingin sa kanya. Seriously? saan kita dadalhin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD