Chapter 57 This is not happening, this is not true. Oh God. Robin remembered the happy family of Conny. “S-Siya na ba iyong kaibigan mo kamo, Con? Nako ay kagandang bata naman nito. Halika, halika at maupo ka dito. Pasensya ka na sa bahay naming ha? Maliit lang.” “Ayos lang naman po ‘yon. Huwag po kayong humingi ng pasensya. Saka masarap po ang tilapia, lalo nap o kung si tito pala ang nanghuli. Sanay po akong kumain ng isda, si Mom po kasi ay pinaghahanda kami ng ganito.” “Masarap po!” “Ang sarap po! Maraming salamat po sa pagkain!” “Alex please… please let go of me! I need to see them, no!” Mahigpit ang yakap ni Alex sa kanya habang sinusubukan niya na makakawala dito. Para siyang nasa isang bangungot. Gusto na niyang magising. Ang sumunod na nakita ni Robin ang nagpatigil sa

