KARMA 2 ASSISTANT TO THE CEO?

2134 Words
CALVIN Bigla kong naitulak paalis sa ibabaw ko ang babaeng kaulayaw ko, not minding what happened to her. Isinara ko agad ang zipper ng pantalon ko at tumayo, mabilis na lumakad ako palapit kay Camille. "What the f*ck are you saying Camille? Resign? Why?" I said in a hoarse voice. Camille Suarez has been my secretary for 10 years now. Mula nang hawakan ko ang negosyo ng pamilya ay siya na ang kasama ko. Anak si Camille ng dating sekretarya rin ng Papa kaya tiwala at palagay ang loob ko sa kanya. Lahat ng kalokohan ko ay alam niya, siya nga ang umagapay sa akin noong halos mabaliw ako nang mawala si Serena at nang malaman kong hindi ko anak si Cray. "Palabasin mo muna ang lady at bay mo Boss bago ko sabihin." napahalukipkip pa siya kaya agad kong nilingon ang babae na masama ang tingin sa amin habang inaayos ang damit niyang basta ko lang hinubad. "I hate you Calvin!" wika nito nang mapadaan sa tabi ko. Nakonsensya naman ako dahil nakita kong paika-ika ang lakad niya. Malamang ay nasaktan ito sa pagkakatulak ko sa kanya. I heard Camille tsked at me while shaking her head. "Kailan ka titigil sa pambababae mo Boss? Ikakasal na si Yna, may mga anak na rin sila ni Sir Arkin baka gusto mong ayusin na ang buhay mo?" pangangaral pa niya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot. "The last time I check ako ang boss dito, now why do I feel like pinagagalitan mo ako?" deretso kong tanong na sinagot niya lang ng pag-iling. "Ikaw nga ang boss pero sa ginagawa mo sa mga babaeng iyon maaaring masira ang reputasyon mo. We've known each other for a long time Sir kaya ko sinasabi sa'yo ito. Now that I'm resigning to start a new life eh wala nang makakaintindi sa lahat ng whims and caprices mo. Sir Charles will really be angry kapag nalaman niyang nagdadala ka ng mga babae sa opisina mo tapos ay paiiyakin mo lang din sa huli." mahaba niyang pangangaral na nagpaparealize sa akin kung gaano ako ka-g*go ngayon. "But do you need to resign? Pwede namang mag-leave ka, file an indefinite leave at hindi kita guguluhin o iistorbohin. Just call Raymond para siya muna ang pumalit sa'yo. I can't let go of a VERY efficient secretary like you Cams..." nafu-frustrate kong tugon. Napahilamos ako sa mukha ko at nagulo ko ang buhok ko. Kabisado ni Camille ang gusto ko pagdating sa trabaho kaya naman mabilis kaming nagkasundo. Ngayon na aalis siya ay paano na? "Let me check who I can make a replacement for myself. Marami tayong employees na kayang gawin ang ginagawa ko especially handling your 'affairs'. I have one in mind" turan niya na may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi. Sa paraan ng pagkakangiti niya ay mukhang matagal na niyang pinlano ang lahat ng ito. "Who is that lucky bastard?" kapagkuwa'y tanong ko. "Raymond" nakangiti niyang tugon samantalang ako ay nanlaki ang mga mata. "Si Raymond Velez? Yung Head ng Operations Department? Yung ipapalit ko sana sa'yo?" nalilitong tanong ko na sinagot niya lang ng tango. "Kaya hindi ko siya pwedeng ipalit sa sarili kasi kilala kita, baka kahit kakakasal lang namin ay magkasala na agad siya sa dami ng babae mo!" tinapik niya pa ang balikat ko na tinawanan ko lang. Siya lang sa mga empleyado ko ang kayang sagut-sagutin ako mas lalo ang saktan ako. We are comfortable with each other lalo magkaibigan din naman kami. "But can you stay?" nagpapa-awa kong tanong, muli ay umiling siya. "I can't CMS I'm sorry... but there's a bun in the oven." itinuro niya ang tiyan niya kaya naman agad na nagliwanag ang mukha ko nang maintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig. "Oh gosh Cams congratulations! I'm so happy for you!" niyakap ko siya ng mahigpit, naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko. "Thank you for being such a good friend and boss CMS. I hate to leave you but I have to. Di bale yung ipapalit ko sa'kin matino iyon at kasing-bilis kong kumilos. Paniguradong matutuwa ka kapag nalaman mo!" there's a shadow on her smile that gives me goosebumps. "Are you sure na hindi ako aakitin niyan?" nananantiyang tanong ko. "Paano ka pa aakitin eh mukhang naakit ka na agad niya." she winks at me before she got out of my office. "That woman is insane," I get inside my restroom to have my interrupted release. And when I take a hold of my snake, one woman comes to my mind... that girl I saw this morning. Just thinking about her bumps and legs, oh good gracious I almost come! My mind is clouded with obscene things, and just a minute or two I've had my sweet release. I must know her name... *** ALAINA Nagmamadali na akong magbihis dahil male-late na ako sa trabaho nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin ng kapatid kong si Aina. "Lai may pera ka pa ba diyan?" Napalingon ako sa nagsalita na nakasungaw ang ulo sa pinto at napabuntong hininga. "Meron pa po-" "Akin na dali at may sugal pa dun kina Temyo sayang naman pambili ng ulam mamayang gabi," nagniningning ang mata ni Mama habang nakalahad ang kamay niya sa akin. "P-para sa gamot ni Aina it-" wika ko habang iniipit ang pera na nasa kamay ko na pero bigla niyang hinablot. "Akina sabi eh! Dami mong sinasabi di na lang ibigay kung ibibigay! Ako na ngang bahala di ba? Atsaka ang laki ng sinasahod mo riyan sa trabaho mo tapos ako na nanay mo pagdadamutan mo? Aba ang galing mo naman! Tandaan mo hindi ka makakatapos kung hindi dahil sa pagsusugal ko oi!" tuloy na dakdak ni Mama habang binibilang ang perang itinatabi ko sana para sa kapatid kong may sakit ngayon at kay Papa na nakaratay sa sakit. "Cita! Ano ba naman?! Bakit sinisigawan mo nanaman si Alaina?" napalingon kaming dalawa ni Mama sa pumasok. Pilit na iniikot ni Papa ang wheelchair niya palapit sa amin. Lumapit naman ako at umupo sa harap niya para pigilan pa siyang lumapit upang di siya mahirapan. "Pa... bakit pumunta ka pa dito? Dapat nagpapahinga ka la-" "Maghapon na akong nagpapahinga anak at nagsasawa na ang likod ko kakahiga. Ano nanaman bang pinagtatalunan ninyo?" mahinanong tanong ni Papa habang ako ay nakayuko lamang. "Yang magaling mong anak nagdadamot! Hinihingian ko ng pera para may ulam tayo mamayang gabi pero ang dami pang sinasabi! Maliit na nga iniwang pera nagrereklamo pa! Akong bahala kay Aina! Anak ko yan kaya hindi ko pababayaan yan!" sikmat niya sa akin na muling nagpakirot ng puso ko. Palagi siyang ganito, kung magsalita ay parang si Aina lang ang anak niya. "Ikaw gumawa ka ng paraan para magkapera tayo!" sigaw sa akin ni Mama na lalong nagpayuko ng ulo ko dahil kinukutusan niya rin ang ulo ko. "Ano ba Carmencita sinabi nang tumigil ka na eh!" tinabig ni Papa ang kamay ni Mama na paulit-ulit na itinutulak ang sintido ko. "Hmp! Magsama kayong mag-ama wala kayong magawang maayos sa buhay ko! Hah! Bwiset na buhay 'to!" nagmartsa na si Mama palabas ng kuwarto ko kaya doon ko lang naibuhos ang mga luhang kanina pa nag-uunahang pumatak. "Pa sorry... eto pera pandagdag sa pambili ng ulam," naglabas akong muli ng dalawang daan pandagdag sa pang-ulam namin. Ngunit ikinuyom ni Papa ang kamay ko at hindi tinanggap ang iniaabot ko. "Anak pasensya ka na..." itinaas ni Papa ang mukha ko kaya nakita ko ang pagkislap ng luha sa mga mata niya. "Kasalanan ng Papa ito kaya ikaw ang nahihirapan. Huwag mo nang dagdagan, itabi mo na lang ang pera para sa kapatid mo," nilingon ni Papa ang disi-otso anyos na kapatid kong si Aina na kagabi pa inaapoy ng lagnat. "Kung hindi ako naaksidente malamang ako ang bumubuhay sa inyo. Siguro ay maganda ang buhay niyo ng kapatid mo ngayon at hindi nalulong sa sugal ang Mama mo. Sa magandang eskuwelahan sana nag-aaral ngayon si Aina. Kasalanan ko lahat ito... hindi ako nag-ingat!" napatungo si Papa at alam kong umiiyak na naman siya kaya hinawakan ko ang mga kamay niya ipinupukpok niya sa binti niya. Nagta-trabaho noon si Papa bilang Foreman sa Sanders Realty nang maaksidente siya sa isang building na ginagawa nila noon. Sinabi ng doktor na hindi na muling makakalakad pa si Papa dahil sa naging pinsala sa spinal cord niya. Binigyan kami ng financial assistance ng kumpanya at nakapagtapos ako dahil na rin sa scholarship na ipinagkaloob nila sa akin. Si Mama lang ang nagbibigay sa akin ng baon noon mula sa pagsusugal niya dahil hindi naman umano ito nakatapos ng pag-aaral kaya walang makuhang trabaho. "Pa... pamilya tayo 'di ba? At ang pamilya nagtutulungan at nagdadamayan. Obligasyon ko po kayo kasi pamilya ko kayo, at hindi ako magsasawang tulungan kayo lalong-lalo na si Aina. Hindi mo kasalanang naaksidente ka pa kaya huwag ka nang makinig ka Mama hmm?" pinahid ko ang luha ni Papa, nahihiya naman siyang tumango habang nakatingin sa akin. "Mahal na mahal ko kayo Papa. Utang ko sa inyo ang buhay ko kaya hangga't kaya ko ay tutulungan ko kayo. Buti nga po at malaki ang pasahod ng Sanders Realty sa akin kaya nakakaya ko ang gastusin. Huwag niyo po akong intindihin Pa, makakaraos din tayo..." nakangiti kong saad. Pinagagaan ko lanh ang loob niya dahil lahat ng nangyayari sa amin ngayon ay isinisisi niya sa kanyang sarili. Umalis na ako at pumasok na sa trabaho, iniwan ko ang dalawang daan para maibili ng gamot ni Aina na inipit ko sa kamay niya mismo kasama ang note. Umungot kasi ito na masakit ang katawan at mataas ang lagnat, malamang ay trinangkaso dahil naulanan daw noong isang araw pagkagaling sa eskuwelahan. Pagdating sa aking pwesto ay inabutan ko agad si Trish na nakataas ang kilay sa akin ngayon. Matagal ko nang kasama si Trish bilang Receptionist dito sa Sanders Realty at ni minsan ay hindi kami nagkasundo dahil may pagkasip-sip ang babaeng ito at lahat ay inaaway dahil hanggang ngayon ay umaasang mapapansin siya ng Big Boss na si Mr. Calvin Sanders. Naniniwala umano ito sa Cinderella story at gustong mapabilang sa mga babaeng idinedate ng isa sa pinaka mayamang tao sa Pilipinas. "Hindi ko alam kung anong meron at pinatatawag ka sa Executive Office. Siguro gumawa ka ng kalokohan ano? Kunwari mabait ka kasi pero may itinatago ka ring landi! Hmp!" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Sa dami ng kuda niya ay ang naintindihan ko lang eh pinaaakyat ako sa Executive Office. Nanggaling na ako roon kahapon dahil may pinakisuyo si Ms. Camille na Executive Assistant ni Mr. Sanders. Nagulat nga rin ako nang makasalubong ko ang Big Boss dahil palagi lang akong nakatungo kapag nakikita ko siya. "Dalian mo na! Kupad mo pa eh! Goodluck sa'yo sana bukas nandito ka pa!" binuntutan niya ng tawa ang sinabi niya. Mukha siyang evil witch sa paningin ko dahil sa itsura niya. Ang babaeng ito hindi na nagbago. Nagawa nitong sumipsip noon sa dating kasintahan ni Mr. Sanders na si Angela Gomez. Nakipagsabwatan ang huli sa kanya para makapasok siya sa opisina ni Sir Calvin nang walang kahirap-hirap at hindi nakakarating sa dati nitong asawa na si Ms. Serena Lopez na ngayon ay ikakasal na sa bestfriend nitong si Mr. Arkin Adler. Pag-akyat ko sa top floor ay nakangiting mukha ni Ms. Camille ang sumalubong sa akin. "Goodmorning Ms. Camille ipinatawag niyo raw po ako?" "Yes Alaina thank you for coming up. Ahm... I'd like to offer you a position, can you be Mr. Sanders' new Executive Assistant?" deretsong sagot nito na nagpagimbal sa akin. "A-ako po? B-bakit po ako?" utal-utal kong tugon. "I find you a well-suited EA for Sir Calvin. Hindi ka katulad ng ibang babae dito na laging hinahabol ng tingin si Boss. I also admire your passion for work. Mula nang pumasok ka dito hanggang ngayon puro papuri ang naririnig ko mula sa mga empleyado. I've done my research at nalaman kong naging scholar ka rin ng Sanders Realty. Your loyalty and perseverance is a plus factor para ikaw ang kunin kong papalit sa akin." "P-po?" pakiramdam ko ay mukha akong tanga sa paningin niya dahil sa haba ng sinabi niya iisang salita lang ang naisasagot ko. "And I think... Sir Calvin will like you too." nakangisi siya ngayon kaya bigla akong kinabahan. Mahiwaga talaga itong si Ms. Camille, palagi siyang nakatingin sa akin at may naglalarong nakakalokong ngiti. "So it's settled! Starting tomorrow I'll train you. Ipu-pull out na kita sa Front Desk at dito ka na dederetso sa Executive floor. Are we clear?" Wala sa sariling tumango ako. Nabibilisan ako sa mga pangyayari. Magiging Executive Assistant ako ni Mr. Sanders? Yung lalaking palaging laman ng mga panaginip ko? Oh sh*t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD