Naiinip na muling sinilip ni Duncan ang relo niya. He was getting bored and nervous at the same time. Pumasok siya sa kotse at kinuha ang cell phone niya na kanina pa niya maya’t maya chine-check para tingnan kung may tumatawag o may chat man lang mula kay Alena pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Kahit si Steph ay nakalimutan na rin yata ang usapan nila. Nag-iisip na napatingin siya sa malayo saka niyuko ang maliit na box na ipinatong niya sa pilot seat ng kotse at kinuha iyon. Binuksan niya ito at tumambad ang isang kumikislap na diamond ring. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang singsing na iyon at hindi na siya makapaghintay pa na maisuot ito sa daliri ni Alena. He was busy planning the marriage proposal for Alena right after Lyke was discharged from the ho
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


