“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lulu,” umiiling na pag-amin niya sa kaibigan. Kinuha niya ang tasa ng kape na nasa harapan at sumimsim doon. Niyaya siya nitong lumabas sandali mula sa hospital at nagtungo sa coffee shop na malapit lang doon. “Masama ang loob sa akin ng anak ko. Pero ayoko lang naman na tuluyan siyang maniwala na si Duncan ang ama niya… Paano kapag nalaman niya ang totoo, kung kailan hulog na hulog na ang loob niya sa inaakala niyang Daddy niya? Ngayon pa nga lang ay halos hindi ko na siya magawang ihawalay kay Duncan. Look at what happened, naaksidente pa siya.” Tumigil siya sandali at seryosong tiningnan ang kaibigan na tahimik lang na nakikinig sa kanya. “Dapat bang hayaan ko lang siya na maniwala sa pagpapanggap ni Duncan? Ayoko lang naman siyang masaktan pero ano

