Chapter 13: Anak ni Mang Anton

1518 Words
━━━━━━♡ Zach's POV ♡━━━━━━ Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. s**t! How much did I drink last night? Nakadukdok ang mukha ko sa lamesa. Umiikot pa rin paningin ko. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Praise na nakadukdok din ang mukha sa lamesa. Oh yeah! I remember nung inaya ko siyang uminom pero after that, it's all blurry to the point na hindi ko na talaga maalala ang mga nangyari. Nakita ko sa tabi niya na may kape. God! What time is it? Tinignan ko sa relo ko ang oras at nakita kong mag-aalas-kwatro pa lang ng madaling araw. Sobrang late na pala. Pumasok ako sa loob upang kumuha ng mug at lumabas din agad. I made myself a coffee to sober up. I stood next to Praise. Damn, she looks pretty. Ngayon ko lang na realized dahil kapag gising siya, she always makes faces. Besides that, all I hear is her yapping. Hinawi ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya at iniipit ko sa likod ng tenga niya. You look... dangerous but with an angelic face. Tumayo na ako ng diretso at ininom ang kape ko. Nang maubos ko iyun, kinarga ko na si Praise at dinala sa kwarto niya. This isn't the first time na binuhat ko siya papuntang kwarto and I am surprised kung paanong hindi siya nagigising. Pinatay ko ang ilaw at sinarado na ang pinto. "Now what?" napabuntong hininga ako. Papasok na lang ako sa kwarto since wala din naman akong magawa. Hindi ko ine-expect na makakatulog din pala ako ulit kahit na uminom naman ako ng kape Well, nagising ako dahil may kumatok sa pinto ko. Maliwanag na sa labas kaya tumayo na rin ako. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Praise, "Kakain na po sir Zach." ngiting-ngiti siya. "Okay?" dahan-dahan kong sinabi at dahan-dahan ko ring sinarado ang pinto. What a weird weird lady. Nag-ayos lang ako ng sarili at lumabas na rin ng kwarto and I was surprised to see Praise, still standing infront of the bedroom. "Kakain na ba tayo sir?" tanong niya ulit habang malaki ang ngiti at tumango na lang ako dahil, what the f**k? Lumabas na ako at sinundan siya. Nakaligtaan ko na ring kuhanin yung phone ko sa kwarto kakaisip sa weirdo na babae na 'to. Nang makarating kami sa kusina, nagulat ako dahil hindi na pang-agahan ang nakahain. Bukod duon ay dalawa lang ang plato sa lamesa. Umupo na rin ako bago nagtanong. "Asan sila mama?" "Umalis na sila sir. Kanina pa." sabay upo sa harap ko. "What time is it?" "Mga nasa alas-dose na po." tugon niya habang nilalagyan ang plato ko ng kanin. "s**t!" mabilis akong tumayo ng marinig ko ang oras. "O, bakit sir?" tanong niya sa akin, "I have a plan with Meg." at tumalikod na ako para kuhanin ang phone ko, pati na rin ang susi ng sasakyan ko. ━━━━━━♡ Praise's POV ♡━━━━━━ "Sir kain muna tayo." sabi ko sa kaniya ngunit dinaanan niya lang ako at tuluyan ng lumabas ng pinto. Napasibangot ako. "Sayang naman yung pag pe-prepare ko. Nakakainis naman yun. Liligpitin ko na sana ang hapag kainan, sakto namang dumating si Lorie, "Hi, Beshy... Ugh! Pano mo nalaman na naguguton ako?" agad na umupo ito kaya napatigil ako sa pagliligpit at umupo na lang din sabay naglabas ng malalim na paghinga. Ginising gising ko pa siya hindi naman pala siya sasabay kumain. Dapat hindi na lang ako nagluto para sa kaniya. Ang sarap pa naman ng niloto kong adobo. "Hmmm. Ang sarap ng pagkakaluto mo ng adobo." sabi ni Lorie, "Diba? Tapos hindi niya titikman. Kainis." nagsimula na rin akong kumain, "Sino bang kaaway mo?" "Wala. Kain na lang tayo ng masarap na adobo." tugon ko, Ilang oras na rin ang nakakalipas ng umalis si sir Zach sa bahay. Napapaisip tuloy ako kung ano ang ginagawa niya ngayon. Hayst. Bakit ba kasi kailangan kong malaman kung bakit siya nandito. Imbis tuloy na mainis ako sa kaniya, naaawa na lang tuloy ako. Tama nga ang sabi-sabi na kadalasan ng mga taong masungit, mayabang, sila yung may mga tinatagong problema. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno, nagbabasa ng isang nobela na about sa isang lalaking naghahanap ng isang babae upang mapakasalan niya sa harap ng mga magulang niya para makuha ang mana niya. Habang nagbabasa ako, napansin ko na may nakatayo sa gilid ko, tila ba sinisilip kung ano ang binabasa ko. Nilingon ko ang lalaki. "Oh, Mang Anton. Kamusta po?" tanong ko dito dahil medyo matagal-tagal na din nung nakita ko siya. Ang gara nga e. Napansin ko na madalang siyang lumabas ng bahay nila. Sobrang lapit lang ng bahay nila pero madalang lang namin siyang makita. "Ito, nabuburyo sa bahay kaya naisipang lumabas." ani niya na natuwa naman ako. Gusto ko kasing nakakasama tong si mang Anton. Mabait at madaldal din kaya nakakasundo namin nila Lorie. "Sabi ko po kasi sayo, mang Anton, lalabas-labas ka ng bahay. Nandito naman po kami nila Lorie, sasamahan ka po namin kapag wala kaming ginagawa." sabi ko at napangiti siya, "Nahihiya kasi ako sa inyo, lalo na at araw-araw kayong nagtatrabaho." tugon naman niya bago umupo sa tabi ko. "Naku ka, mang Anton. Wala samin yun. Gusto mo nga po, kahit may ginagawa kami, isasama ka namin e." parehas kaming natawa sa sinabi ko, "Mahilig ka pala magbasa?" banggit niya sa akin. Akala ko ay nakwento ko na sa kaniya yun. "Hindi ko po pala nabanggit sa inyo," binaba ko muna ang libro na hawak ko. Umiling siya at napangiti, "Alam mo, ang daming libro sa bahay. Pwede kang pumunta. Yung isang kwarto sa bahay namin, halos library na sa dami ng libro." nakangiti niyang sabi sa akin at syempre, tuwang tuwa naman ako sa nalaman ko. "Hala! Totoo po ba?" at tumango siya ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "Pwede ko po bang makita ngayon?" excited ko na tanong sa kaniya. "Oo naman." sabi niya at tumayo na kaming dalawa sa pagkakaupo. Hindi na ako nahiyang magtanong sa kaniya dahil sobrang close kami ni Mang Anton kahit na hindi kami madalas magkita. Parang si Mayor lang siya. Mabait. Ayun nga lang, kagaya ng nakakarami dito sa baryo, kinakapos din siya paminsan-minsan. Kaya nga sila Mayor, madalas na pumupunta sa bahay ni Mang Anton dahil binibigyan nila ng mga grocery. Mag-isa na lang kasi siya sa bahay dahil wala na yung mag-ina niya. Ayun din siguro ang dahilan kung bakit madalas siyang nagkukulong sa bahay nila. Nang makarating kami sa bahay niya, medyo naiilang akong pumasok dahil ngayon lang ako makakapasok dito. Tinanggal ko ang tsinelas ko at nang makita yun ni mang Anton ay pinasuot niya ulit sa akin ito. "Okay lang yan iha." sabi niya sa akin kaya naman ay sinuot ko ulit ito. Ang bahay ni mang Anton ay maliit tignan sa labas pero kapag nasa loob ka na pala, malaki-laki rin naman. Sinundan ko si Mang Anton dahil hindi ako pamilyar sa paligid. May binuksan siyang kwarto at sa pagkita ko dito, nagulat ako sa nakita ko. Tama nga si Mang Anton, punong-puno ng libro ang kwarto. "OMG!" sabi ko at napatingin ako kay mang Anton kaso ng makita ko siya, unti-unting humupa ang mga ngiti ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni mang Anton. Yung mga mata niya ay tila bumagsak habang iniikot ang tingin sa loob ng kwarto. Habang tinitignan ko siya, napansin ko na ang mata niya ay nahinto sa isang direksyon kaya sinundan ko ang tingin niya. It's a picture of a boy. Kung hindi ako nagkakamali, anak niya. Parang sumikip ang dibdib ko para kay mang Anton. Dapat pala ay hindi na ako nag-aya dito. "S-sige na iha. Maiwan na muna kita dito. Lalabas na muna ako." malungkot na sinabi sa akin ni Mang anton at dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, tumango na lang ako. Nang marinig kong sumarado ang pinto ng bahay, biglang tumulo ang luha ko. Sobra akong nalungkot sa natuklasan ko tapos dumagdag pa ang atmospera ng kwarto na 'to. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto. Nagkalat ang mga libro, hindi lang sa lapag, kundi na rin sa ibabaw ng study table, kama at bookshelf. Napansin ko rin na sobrang maalikabok ang paligid at yung ang mga sulok ay napapalibutan na ng mga agiw. Sure ako na simula ng mawala ang anak niya, hindi na niya pinakielaman ang kwarto na 'to. At least, iyun ang nakikita ko dito. Nilapitan ko ang litrato na natatakpan na ng alikabok. Hindi ko ito ginalaw, bagkus ay inaninag ko lang ang litrato. Dun ko lang napansin na dalawang batang lalaki ang nasa picture. "Si Sir Zach." sabi ko. Paano ko nalaman na si sir Zach yun? Dahil sa mga litrato sa bahay ni Mayor nung bata pa si Zach. Hindi kaya, ang tinutukoy na kababata ni sir Zach na pinatay ay ang anak ni mang Anton? Kumabog ang dibdib ko. Kung ganun, gusto kong tulungan si sir Zach na bigyan ng hustisya ang kamatayan ng kababata niya. Not only para kay Zach kundi pati na rin kay Mang Anton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD