Hindi na awkward sina Carlo at Zeus sa isa't-isa. Kumbaga bumalik yung dati nilang pagtrato sa isa't-isa. Nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa pumasok yung nurse kaya natahimik kami. "Kumusta na po kayo?" tanong nito sa akin. "Okay naman." "Hindi po ba kayo nahihilo?" "Hindi naman." Lumapit yung nurse sa dextrose ko na para bang may binasa dun. Nakatutok lang kami sa nurse kasi awkward naman na magkuwentuhan kami habang nandito pa siya. "Kumain na po kayo?" tanong niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Nalibang kasi ako sa kuwentuhan namin kaya nakalimutan kong kumain. Nilingon ko yung table kung saan nakalagay yung pagkain na kanina pa hinanda ni Stan bago umalis. "Hindi pa," nahihiya kong sagot. Tiningnan nung nurse ng kanyang wristwatch at tumang

