"Oh you're here!" bibong bati ni Ayieza at lumapit sa amin. Nakakatomboy. Yun lang ang masasabi ko. Suot niya yung bikini niya kanina pero mukhang pinalitan niya ng kulay pula. It looks good on her and she's undeniably beautiful. Nakakainggit. "Papalapit na ang plastik," bulong ni Carlo kaya agad ko siyang siniko. "Tama na nga 'yan. Hindi maganda," sita ko. "Ito naman. Sobrang bait," nguso niya. "Hali na kayo! Kayo nalang yung hinihintay namin," abot-tenga niyang ngiti. I can't tell if it was genuine or not but I chose to set it aside. Lumapit kami ni Bee kung saan si Zeus nagluluto at kung saan nakaupo si Stanley. Nakakailang yung titig ni Zeus. Naisip ko na ganung klaseng tingin din yung binibigay sa akin ni Stan noon Nakaramdam ako ng kirot nang maaalalang hindi na niya ako tini

