"Dane!!" sigaw ni Bee pagkapasok niya ng hospital room. Agad niya akong niyakap. Sumunod naman sa kanya sina Carlo at Tristan na nag-aalala. I smiled. "How are you? Okay ka lang ba? May masakit ba?" tanong niya. "Wala naman," nagdadalawang-isip kong sagot. "Anong wala? Girl, nakabenda na ulo mo. Manhid ka ba?" turo ni Carlo sa ulo ko. Napalingon ko kay Stan na nasa tabi ko. He smiled with reassurance. I nodded. Napag-usapan namin na sabihin na sakanila kung ano yung sakit ko. Sabi niya natanggap niya naman ako, paano pa kaya sila? I was uncomfortable of the thought of telling me. Ayokong kaawaan nila ako. Mas lalong ayokong nasa akin nalang yung atensyon nila at pag-aalala. Kasi hindi ko naman talaga naisip na sasabihin sa kanila. I was too determined to keep it until the day I die.

