Chapter 2

1550 Words
Chapter 2 Dahil sa napahiya si Olivia sa nangyari, bigla na lang itong tumayo at kinuha ang mga gamit at patakbong umalis sa gym. Hindi niya kayang tingnan ang lalaki, at dahil sa sobrang napahiya siya, parang gusto na niyang matunaw sa kahihiyan. "Sh*t! Olivia, anong nangyayari sayo?" tanong ni Olivia sa sarili habang pinagsusuntok ang manibela ng kanyang sasakyan nang makarating na siya sa parking area ay pinaandar na ito. --- Ngiting-ngiti naman si Titus sa nangyari sa kanila ng babae, napaisip naman ito na alamin ang record ng babae kaya napangiti naman ito ng pahapyaw sa hangin. --- "Oh, anak, bakit ang aga mo yatang umuwi?" tanong agad ng ina ni Olivia nang makita siyang papasok sa loob ng bahay. "Bigla po kasing sumakit ulo ko, Mom, kaya maaga akong umuwi," palusot ni Olivia sa ina, dahil kahiya-hiya talaga ang nangyari sa kanya kanina sa gym. Pagkatapos naligo ni Olivia hindi parin mawala-wala sa isipan niya ang nangyari kanina, parang nasa harapan pa rin niya ang lalaki. "Aahh!" pasigaw ni Olivia sabay subsob sa malambot na unan ang mukha nito, dahil ayaw niyang isipin ang nangyari kanina. ---- "Oh, Bro, himala lunes andito ka? sabay tapik sa balikat ni Titus ng kaibigang si Luke. "Wala naisipan lang kitang dalawin, kanina pa ako rito kaso...," pambibitin ni Titus sa sasabihin. "Kaso?" tanong ni Luke na nakangiti. Sinabi naman ni Titus ang nangyari kanina kaya napatawa naman si Luke sa kaibigan. "Kilala rito si Miss Olivia, napakagandang babae pero hindi halata na may edad na ito," kwento ni Luke sa kaibigan. "Oh really?" tanong ni Titus. "Yes, don't tell me may balak ka?" nakangiting pang-aasar ni Luke dito. Sinabi naman ni Luke kay Titus kung ilang taon na si Olivia at hindi naman nagulat si Titus, dahil hindi naman kasi halata sa mukha, lalo na sa pangangatawan ng babae na ganon na nga ang edad nito. --- Halos hindi makatulog si Olivia at hindi talaga mawala-wala sa isip niya ang lalake kahit anong gawin niya. Halos mukha ni Titus ang tumatakbo sa isip ni Olivia, sa inis nito sana hindi na niya ito makita pa. --- Habang naliligo naman si Titus, hindi parin mawala-wala sa kanyang isipan ang magandang mukha ng dalaga, ang makinis nitong balat at mainit na katawan nito. Kaya hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi, alam niyang makikita pa niya ang babae. --- Kinabukasan late nang nagising si Olivia, dahil late na din siyang nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Dali-dali siyang bumangon para ayusin ang sarili. Sana sa isip niya hindi na masira ang araw niya pagdating niya sa opisina. "Good morning Ma, bati ni Olivia sa ina nitong nadatnan sa sala na nag-aayos ng mga bulaklak na ilalagay sa vase. "Good morning too, anak, bakit late ka na 'ata ngayon? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ng ina nito kay Olivia. "Yes Ma, okay lang po ako," sagot nito sa ina sabay halik at umalis din ito. Alam ng ina na hindi na naman ito kakain, kaya hinayaan nalang nito ang anak. Napailing na lang ang ginang. --- Maganda naman ang gising Titus sa araw na iyon. Dahil wala siyang balak na maagang pumasok sa opisina. Kaya, naisipin muna nitong mag-swimming sa baba ng bahay nito. "Sir, dito ko na po dinala itong breakfast mo," sabay lapag ni Martha ng tray na may lamang pagkain para sa binatang amo. "Thank you, Manang," tipid na sagot ng binata at lumangoy muna ulit ito bago kakain nang umagahan at papasok na rin ito sa trabaho. --- Nasa opisina na si Olivia hindi pa rin ito makapag-concentrate sa trabaho, dahil naiisip pa rin nito ang nangyari at nakita kagabi. Sabay iling at pikit sa mata para burahin ang kanyang iniisip. Tinuon niyang muli ang sarili sa kanyang computer upang maging busy siya sa trabaho. --- "Wow! Ganda 'ata ng gising natin ngayon ah," pagbibirong tanong ni Jake kay Titus ng makitang pasipul-sipol pa itong palapit sa kanya na naghihintay sa binata, dahil sa sabay silang papasok sa work. "Lets go," yaya nito sa driver at pumasok na ito sa sasakyan na hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. "Ah Jake, may ipapagawa ako sa 'yo," sabi ni Titus kay Jake. "Sure, ano 'yon?" tanong ni Jake kay Titus. Sinabi naman Titus kay Jake ang gustong ipagawa nito. At agad namang sumang-ayon si Jake sa binatang amo. --- Dahil sa hindi makapag-concentrate si Olivia sa trabaho ay tinawaga nito ang mga kaibigan. Niyaya niya ang mga ito na lumabas para maiba naman ang takbo ng buhay niya. "Wow, himala! Ikaw na 'ata tumawag sa amin para gumala," pang-aasar ng isang kaibigan nito. Dahil may group chat sila, kaya doon siya tumawag. "Basta magkita-kita tayo mamaya at siguraduhin niyong hindi mamuti mata ko sa kahihintay sa inyo," wika ni Olivia sa mga kaibigan. "Sure ma'am," sabayang sagot ng dalawa nitong matalik na kaibigan. Pinatay na ni Olivia ang linya at bumalik na ulit ito sa ginagawa. --- Halos maluwa naman ang mga mata nang mga employee sa building ni Titus ng makita nila ang mga nag gwa-gwapuhang kaibigan ni Titus dahil sosorpresahin nila ang kaibigan kaya hindi nila pinaalam na dadalawin nila ito. Tatlong malakas na katok ang narinig ni Titus mula sa labas ng kanyang pinto. "Come in," tipid lang nitong sagot sa katok na iyon. "Hey!" malakas na sambit ng mga kaibigan nito sabay suntok ng mahina sa balikat ni Titus. Ganoon silang magkakaibagan 'pag nagkikita sila, halos magkapatid na ang turingan nilang tatlo. Parehas silang may mga kaya sa buhay pero may angat sa kanila si Titus. "Aba! Anong nakain niyo at hindi man lang kayo nagsabi ma pupunta kayo dito," ani Titus. "May surprise bang sasabihin?" papilosopong sagot ni Kim kay Titus. "So anong plano mamaya?" tanong naman ni Karl sa dalawa. "Tara sa bar, sure mag-e-enjoy tayo pareho roon, " nakangiting sagot ni Kim sa mga ito. Parehas silang tatlo na wala pang mga girlfriend at wala pang sineryoso na babae. Si Kim at Karl ay kilalang playboy sa kanilang tatlo. --- Naunang dumating sa hintayan sina Pia at Mia. alam na ng mga ito na talagang laging nahuhuli sa tagpuan si Olivia. "Wow, ang aaga n'yo ah," bungad na sabi ni Olivia sa dalawang kaibigan na kanina pa naghihintay sa kanya. Alam naman kasi nila na pinakamatagal sa lahat mag-ayos ay si Olivia, kaya hindi mo talaga mahahalata na mas matanda sa kanila ang kaibigan. Edad lang 'ata nito ang tumatanda at hindi ang mukha at pangangatawan nito. "Lets go," anyaya ni Olivia sa mga kaibigan at naghanap na sila ng makakainan bago pa man kung saan sila mapapdpad mamaya ng mga kaibigan. Kwentuhan at asaran lang ang pinaggagawa nilang tatlo habang kumakain sila. Naalala na naman ni Olivia ang lalake at ang katangahan niyang nagawa kagabi sa gym. Kaya bigla na lang kumunot ang noo nito na napansin naman ng mga kaibigan. "Hoy," sabay pitik ng mga daliri ni Mia sa harap ng mukha ni Olivia dahil biglang natahimik ang dalaga. "Ah..anong sabi n'yo?" tanong ulit ni Olivia sa dalawa. "Bigla ka 'atang natahimik d'yan?" tanong ni Pia rito. "Sush.. Naku boy yang iniisip mo ano?" pagbibirong tanong ni Mia dito. "Loka! Wala noh! At sino naman?" pag-iiwas nito sa mga kaibigan at baka mahuli pa siya ng mga ito. Mabubuking pa siya sa kanyang katangahan. --- Samantala, nagkakasiyahan naman sina Titus at kaibigan nito sa bar habang nasa loob sila ng private room. Pagmamay-ari ni Titus ang bar na iyon pero, may konting share din doon ang mga kaibigan nito para lagi silang magkasama, kapag parehas naman silang hindi busy sa kanilang mga negosyo. --- "Ano ba talagang problema mo?" seryosong tanong ni Pia kay Olivia dahil na halata ng kaibigan na lutang siya. "Wala nga, ano ka ba," ngiting pilit na sagot ni Olivia kay Pia. "Ok fine, wala kung wala. Tara, may naisip akong puntahan," wika ni Mia sa mga ito. "Tara sa bar," Bbglang singit ni Olivia, baka sakaling 'pag nakainom na siya, makalimutan na niya ang lalaki at mawala sa isip niya. "Sure, may alam akong sikat na bar dito," nakangiting sagot ni Mia. Gamit nila ang sasakyan ni Olivia at si Olivia na rin ang kanilang driver. Mabilis magpatakbo ang babae dahil nasanay na ito noong nasa US pa. 'Pag ganitong lakad ay hindi talaga siya nagdadala ng driver. Agad naman nilang narating ang bar. Sa labas pa lang ng bar na iyon ay maganda na ang design at mukhang pang mayayaman ang pumapasok doon. Matapos pinarada ni Olivia ang kanyang car ay bumaba na ang mga ito. "Baka dito mo na makikita forever mo," pang-aasar ni Pia kay Olivia. "Wala akong balak na maghanap, gusto ko lang uminom," sabay irap ni Olivia sa kaibigan at nauna na itong pumasok sa loob ng bar. Madilim at puro nagsasayawan ang mga tao sa stage. Ang lakas ng tugtog sa loob kaya parang lumilipad na lahat ang nasa isip ni Olivia sa mga oras na iyon. Agad namang umorder ng inumin ang magkakaibigan at humanap ng bakanteng table. Talagang mapapahanga ka sa bar na iyon, dahil sa sobrang ganda ng pag kakagawa nito, at talagang mga high class ang mga costumer dito. --- Nagtatawanan ang magkakaibigang Titus, Kim at Karl nang biglang may nahagip sa paningin ni Titus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD