Nagising ako, masakit ang ulo at parang minaso ang buong katawan. Nang bahagya akong gumalaw ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likod. Nasapo ko ang ulo ko sa sobrang sakit. Nagising ang ulirat ko at tila naalerto nang maramdaman kong nawawala ang headdress ko. Napabalikwas ako at malakas na tumili, "Nasaan ang headdress ko!" Tila nabulabog ang buong bahay o silid o kung saan man ako naroon. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kwartong kinaroroonan ko. Unang pumasok si Peorion. Kasunod ni Sasha at ng sangganong hubadero na si Kaleb. Kinutuban ako sa house na maaaring kinaroroonan ko. "My goodness! This can't be! I don't want to be in draco! Hindi ako mukhang nambubogbog! NO! I promised dad I'd be in Monceros. All my efforts reading bunch of books are gone to waste! Mapu

