Kabanata 5

247 Words
Bago dumiretso sa palengke ay dumaan muna kami simbahan ni tiya. Habang nasa palengke ay namili na kmi ni tiya ng lulutuing paninda sa kaniyang karinderya at ng matapos ay umuwi na rin kmi agad. Naabutan namin doon si Kuya Geo at mga barkada nito. "Oh Alice andito ka na pala" "Opo kuya para po maasikaso ko muna ang mga kailangan kong ayusin bago mag simula ang klase" "Hay nako buti ka pa Alice etong si kuya Geo mo ay ewan ko ba sa bata na iyan at ayaw ipagpatuloy ang pag-aaral" " Kaya ayokong umuuwi dito ma, lagi mo nalang akong dinadakdakan ng ganyan. Hindi ba pwedeng hayaan mo na ako sa gusto kong gawin, di ba pwedeng maging masaya ka nalang sinusunod ko yung pangarap ko? Ma naman suporta lang naman ang gusto ko" " Geo, anak pwede mo naman ipagpatuloy ang pag-aaral mo habang nagbabanda ka, di ko naman sinabing iwan mo ang pagbabanda mo at mag -aral ka" " Tama na ma, let*seng buhay na to, matanda na ko di mo na ako kailangan pang pagsabihan ma, ilang taon kang wala sa tabi ko ma, nasaan ka? nag aalaga ng anak ng iba" " para sayo iyon kaya ako nagtrabaho sa ibang bansa, yan ang naidudulot sayo ng barkada Geo, nagiging suwail kang lalo" Umalis ako at dumiretso sa aking silid habang nagtatalo ang tiya at ang pinsan ko. Siguro ay kung hindi nag-abroad si tiya noon ay di magkakaganito si kuya Geo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD