Kabanata 7

343 Words
Tiya Belen's Pov Hanggang ngayon ay di pa rin ako napapatawad ng aking anak dahil sa pagtatrabaho ko sa Canada ng ilang dekada. Ginawa ko lang naman yon para sa kaniya, iniwan ko sya sa kanyang papa at lola para mapaganda ang buhay nya. Kung minahal lang siguro ni Mando ang aking mga pinaghirapan ay di ako tumagal ng dalawang dekada sa Canada at naalagaan ko sya, kung nakaipon lang sana ako agad ay nakasama ko sya at di sya nagtatampo sa akin ngayon, sana ay nakikinig sya sa akin. Walang humpay pa rin ang luha na pumapatak sa aking mata habang naalala ko ang pagtatalo namin ni Geo. Sumisikip ang aking dibdib, nasasaktan ako dahil parang hindi na ina ang tingin sa akin ng aking anak. Hindi ko magawang sisihin si Mando dahil nakita ko naman na minahal at inalagaan jyang mabuti ang anak namin. Maya-maya ay pumasok siya sa kwarto. "Masama raw ang pakiramdam mo sabi ni Alice" di ko na napigilan ang aking paghikbi "Nandito si Geo kanina, hindi pa rin niya ako napapatawad" niyakap nya ako. "Pasensya na, kung di dahil sakin ay di ka sana umalis, kung pinagbubutihan ko lang ang pagtatrabaho ay di ka sana nagtrabaho sa malayo, kung di ko sana isinugal ang pinapadala mong pera noon ay nakaipon sana tayo agad, patawarin mo ako kung di ko naayos ang pagpapalaki sa nag iisang anak natin, akala ko pag naibigay ko sa kanya lahat ay mapupunan noon ang pagkasabik niya sayo" Nang mahimasmasan ako ay inayos ko ang aking sarili, lumabas kami ni Mando at naghain na si Alice ng makakain. "Maraming salamat Alice, pasensya ka na" "Okay lang po iyon tiya, kumain na po kayo ng makapagpahinga na po kayo ni tiyo, ako na po muna ang bahala sa bahay ngayon araw" Niyakap ko siya at ng makakain ay bumalik na kami sa kwarto. "Mabuting bata iyang si Alice, mabuti at ng may makakasama ka kapag wala ako at nasa trabaho lalo na gabi ang pasok ko" Nagtatrabaho siya bilang isang security guard sa casino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD