Nang matapos ang mag-ina at narinig kong umalis na si kuya Geo ay lumabas na ako at nakita ko si tiya na umiiyak sa papunta sa kanilang kwarto, pakiwari ko ay wala si tiyo Mando. Sinamahan ko si tiya at hinatid sa kanilang silid at nagsabing ako na ang maghahanda ng pagkain ngayong umagahan, ang sabi ni tiya ay hindi na raw muna siya makakapagbukas ng karinderya ngayong araw dahil sumama ang kanyang pakiramdam kaya habang nagluluto ay inilagay ko na sa ref ang aming pinamili kanina. Napagpasyahan ko na magluto ng sopas para gumaan ang pakiramdam ni tiya, dahil siguro sa pagod at sama ng loob kaya sumama ang kaniyang pakiramdam. Maya-maya ay dumating si tiyo Mando.
"Tiyo andyan na po pala kayo, mano po"
"Nasan ang tiya Belen mo?"
"Nasa kwarto po tiyo at nagpapahinga masama raw po ang pakiramdam yung pinamili po namin kanina ay inilagay muna po sa ref"
" Ah ganon ba, salamat Alice, buti at may nagtitingin na sa tiya mo habang wala kami ni Geo"
" Maluluto na rin po ito tiyo, para po makakain na kayo bago pa kayo magpahinga sabayan nyo na po si tiya"
" Salamat anak, magbibihis lang ako at pakakainin ko si tiya mo"
Pumasok na siya sa kwarto at pinagpatuloy ko ang aking pagluluto dahil patapos naman na ito. Naghain na rin ako at sabay sabay na kaming kumain. Nagpresinta si tito na sya na ang maghuhugas ng plato, ngunit di ko na hinayaan dahil pagod sya at galing sa trabaho. Naglinis na rin ako sa upang wala ng iintindihin ang tiya pag umayos na ang kanyang pakiramdam hindi rin naman ako sanay na walang ginagawa dahil sinanay ako ng aking magulang sa mga gawaing bahay. Namimiss ko na sila, ngayon lang ako nalayo sa kanila. Nagpunas ako ng luha at pinagpagan ko ng alikabok ang mga sofa para matapos ko na ang aking pag wawalis. Pumasok ba din ako sa kwarto para makapagpalit ng damit. Ininit ko ang natirang ulam at nagsaing na rin para mamayang tanghalian.