Kabanata 13

492 Words
Maaga akong gumising para tulungan si tiya sa pagluluto sa kaniyang paninda ngunit tapos na pala sila ni Ate Jessa. Sinabihan ako ni tita na bumalik pa sa pagtulog dahil maaga pa, sila na raw ang bahala dito. Di na ako natulog at nagbasa nalang ako. Nang papasok na ako sa University ay nakasabay ko sa paglalakad si sir Amiel. "Taga dyan ka pala kay Aling Belen nakatira" wika nito " Opo sir tita ko po sya" " Lagi kami jan kumakain dati masarap kasi ang luto at mura pa" " Oo nga po sir, sabi nga po ng mga kumakain" Nagpaalam na si sir dahil dadaan pa raw sya sa faculty room bago pumunta sa kaniyang mga klase. Ikinwento ko sa aking mga kaibigan na nakasabay ko si sir pagpasok, at kilig na kilig nga ang mga loka "How to be you po?" wika ni Addie "kinausap nya rin ako, dahil kilala pala niya si tiya Belen at minsan ay doon sila kumakain" "Lagi nalang siguro tayong tumambay sa karinderya nyo , para makasilay narin tayo kay sir" Wika naman ni Lexa at sinang-ayunan ni Blythe "Kayo talaga" "Saka masarap naman talaga ang luto ni tiya Belen diba girls? " tanong ni Sofie " Gusto nyo lang talaga na laging makita si Sir Amiel " biro ko Dumating na aming prof at binigyan lamang nila kami ng overview sa mga subjects na ituturo nila sa amin, diniscuss din sa amin ang mga rules and regulations ng school. Maaga kaming na-dismiss ng aming mga prof kaya naman bago mananghalinay pumunta muna kami sa registrar para kunin ang uniform na inorder namin. Mayroon naman akong naipon nung rumaraket pa ko sa probinsya sasapat pa naman iyon sa pambili ng uniform at nay matitira pa para may baunin pa ko sa mga susunod na araw. Binibigyan din naman ako ni tiya ng baon para sa araw araw na pagtulong ko sa kanila sa karinderya iniipon ko iyon para kung may kailangan akong gastusin sa eskwela di ko naman kailangan na gumastos dahil sa karinderya naman ako kumakain sa tanghali. Nang makuha na namin ang uniform ay dumiretso na kami sa karinderya, nagbihis ang ako at kumain na bago tumulong kila tiya sa pag- aasikaso ng mga customer na patuloy ang pag dating dahil labasan na ng mga estudyante at tanghalian na. Tapos na rin ang aking mga kaibigan kumain at nandoon lang sila sa gilid habang nag- iintay na makatapos ako. Maya -maya ay kakaonti nalang ang dumadating kaya nagpaalam na ako kay tiya para umakyat at maligo, kailangan ko ng gumayak para di kami mahuli sa klase. " Tiya mauna na po kami at baka po mahuli kami sa klase" "Okay anak ingat kayo" at naglakad na kami pagbalik sa aming room. Sobrang init kaya dumaan muna kami sa canteen para bumili ng maiinom bago dumiretso sa aming klase. Nang makarating kami ay wala pa naman ang aming prof kaya nakapagpahinga pa kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD