Nagbotohan na para sa classroom officer for the whole school year naiboto sa Addie as muse at si lexa naman bilang muse. Kaya hindi namin sila makakasabay umuwi , may mga meeting ang officer kaya pupunta pa sila sa school gymnasium. Pauwi na kami dahil tapos na ang klase kay sir Amiel tinawag nya kami nila Sofie at Blythe para dalhin sa faculty ang mga pinasa naming essay about our self. Kinuha na namin yon at sumunod sa kanya sa paglalakad. Pigil na pigil ang kilig ng dalawa habang kami ay papunta sa faculty, sigurado na ikukwento nila ito sa mga naiwan para makipag-meeting, napapangiti nalang ako dahil sa tingin ko ay naririnig ni sir ang bungisngis ng dalawang kasama ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na lumilingon siya sa dalawa, di ko makuhang lumingon dahil nahihiya ako at baka ano ang isipin ni sir. Nang makarating kami ay ipinalagay nalang niya sa table ang mga papel dahil dumiretso si sir sa isang kwarto kung saan merong mga locker na para siguro sa mga faculty. Habang di nakatingin ay naupo ang dalawa sa office chair ni sir at inamoy ang throw pillow na nakalagay dito, sinaway ko sila at inaya ng lumabas. Nakalabas na kami at narinig ko nalang ang impit na tili ng dalawa.
"Ang bango bango ng unan ni sir" wika ni Sofie na halatang kilig na kilig
"Kung di lang ako tinawag neto ni Alice siguro ay naiuwi ko na ang unan ni sir, itatabi ko sa pagtulog para kahit natutulog ay naamoy ko sya at parang kayakap ko na rin sya"
" Kayo talaga baka makita kayo ni sir baka akala ay nababaliw na kayo"
" Nakakabaliw naman talaga sya diba Sofie? Rawr! "
Nagtawanan kami dahil sa tinuran ni Blythe may action pa ito sa pagkukwento, pinagtitinginan kami ng nadadaan namin at nagbubulungan.
" Hayaan mo sila no, bumula ang mga bibig nila, basta di ako mababadtrip ngayong araw dahil naamoy ko na sobrang bango pala ni sir"
" Kung nakikita lang ito ni sir, mapagkakamalan kayong stalker"
Pinagpatuloy namin ang paglalakad habang nagkukwentuhan kung paano sila kinikilig at hindi makalimutan ang ginawa nila sa faculty. Tumambay muna ang dalawa sa karinderya habang iniintay ang dalawa sabay sabay na raw silang uuwi dahil magkakalapit lang ang bahay nung tatlo. Iintayin na rin daw nila na masundo si Addie bago sila umalis, ako naman ay nagbihis na para sana tumulong kay tiya ngunit hindi sya pumayag, mapahinga na lamang raw ako, alam daw nila na pagod ako. Kaya naupo nalang ako sa tabi ng dalawa na kumakain dahil nagutom daw sila.