Nagmamadali akong lumabas ng examination room at hinanap ang daan papunta sa school canteen para bumili ng maiinom at makauwi na ng bahay upang makatulong sa karinderya ni tiya Belen. "Alice wait, are heading to the canteen?" tanong ni Addie. "Oo Addie, nanunuyo na kasi ang aking lalamunan sa tatlong oras nating pag eexam pagkatapos ay uuwi na rin ako kailangan kong tumulong sa aking tiya sa kaniyang karinderya" sagot ni Alice kay Addie na sumabay sa kanya sa paglalakad papunta sa school canteen. Sasamahan na raw siya nito at dun tatambay sa karinderya ng kanyang tiya tatambay at kakain habang nag iintay ng kaniyang sundo. "Siguro ay mayaman ka ano?" wika ni Alice sa kausap." No, not really, my father is a business man and my mom lives in America, they been separated since I was 6, I was their only child, sometimes I visit my mom there with her new family. My dad is so workaholic, he's been in our company early in the morning at uuwi ng gabi na. Lagi syang ganon simula nung naghiwalay sila ng mommy ko. I feel like I'm alone at hinayaan na nya ako kay manang at sa driver na sumusundo, I was longing to have a sibling but unfortunately, di na pwede, though meron naman dahil may anak na si mommy pero di ko naman sila nakakasama, ang daldal ko na no? " At nagtawanan silang dalawa habang naglalakad palabas na ng Unibersidad. Nang nakarating ako sa bahay ay madaming mga estudyante ang nagpuntahan sa karinderya ni tiya dahil tapat lang ito ng eskwelahan, karamihan daw doon ang mga scholar ayon kay tiya, mga nagtitipid dahil mas mura ang panindang pagkain dito kesa sa canteen ng eskwelahan.