Nakarating na kmi sa bahay kasama ko sina Blythe, Sofie at Lexa, sila ang nakilala ko kanina sa interview.
"Oh anjan ka na pala, kamusta ang lakad mo?"
"Ayos naman tiya, natanggap po kmi ng mga bagong kaibigan ko" ipinakilala ko sila isa isa kay tiya Belen sinabi ko rin na aalis kakain muna sila at aalis kami pagdating ni Addie. Habang naghihintay ay tumulong muna ako kay tiya sa karinderya, nang magtext si Addie na malapit na siya ay nagpaalam na rin ako at nagbihis uoang pagdating ni Addie ay aalis na kami. Matapos kong magbihis ay dumating na rin siya, bumaba siya ng sasakyan at nagmano kay tiya, pinakilala ko sakanya ang tatlo at tingin ko naman ay magkakasundo sila dahil pare-parehas silang madaldal. Sumakay na kami sa sasakyan nila at pumunta sa pinakamalapit na Mall. Nagkukwentuhan at nagtatawanan habang nasa byahe. At ng makarating kami ay nagpaiwan na si Addie sa driver nya at pumasok na kami sa loob. Nagpunta na kami sa bilihan ng mga gamit, kumuha lang ako ng mga kakailanganin ko, ganon din sila, meron pa naman akong bag ni tiya Belen sa palengke at sapatos na binili naman ni nanay bago ako lumuwas ng Maynila. Nagbayad na ako at naghintay nalang ako sa upuan sa gilid ng store na matapos sila mamili. Isa-isa na silang natapos at napagpasyahan na lumabas ng store at bumili ng ice cream. "Pasukan na sa isang araw sana ay magkakasama tayo sa isang section" wika ni Lexa"
"Maganda ba sa probinsya nyo?" tanong sa akin ni Addie
"Oo naman, malayong malayo dito sa Maynila na maingay, doon ay tahimik at madaming magagandang lugar na maaaring putahan, may dagat at ilog na pwedeng paliguan, more on nature tripping talaga"
" I am thrilled, parang gusto kong pumunta sa inyo" wika nito.
" Pwede kaya tayong pumunta sa inyo?" tanong ni Blythe
"Pwede naman kaya lang maliit lang ang bahay namin"
"What about camping outside your house?" ani Addie.
"Welcome naman kayo sa amin"
Excited ang lahat at pinag uusapan kung kailan sila pupunta sa probinsya namin. Dumating ang sundo ni Addie at nauna na ihatid si Sofie at ang huli ay ako.
"Thank you sa paghatid"
"I enjoyed this day, thanks to you and our other friends"