Kabanata 10

339 Words
Tumawag ako kina mamay, papadud at Anie, namimiss ko na rin sila, isang linggo na ako dito ngunit ngayon po lang sila matatawagan. "Hello, anak kamusta ka na jan? Natagalan ka ata sa pagtawag" wika ni mamay. " May busy po kasi sa school nagreview po ako par sa entrance exam tapos ay tumutulong ako kay tiya pag uwi ko ng bahay. May mga kaibigan na po ako dito may, papadud, sila po ang kasama ko nung bumili ako ng gamit kahapon" " Ngayon mo lang siguro namiss ang pogi mong tatay kaya ngayon ka lang napatawag" nagtawanan kaming lahat sa tinuran ni tatay. " Ikaw talaga tay, bukas na po pala ang pasok ko sigurado magiging busy nanaman ako" " Kayang kaya mo yan anak ikaw pa ba, strong ka kagaya namin ni mamay" wika ni tatay " Oo nga pala may, pa naikuwento ko sa mga kaibigan ko na maganda jan sa lugar natin at alam nyo ho ba na gusto nilang dumalaw jan" " Nako ate masisiyahan sila kapag dito sila nagpunta" tuwang tuwang wika ni Anie " Sabihin mo sa mga kaibigan mong, lagi silang welcome sa bahay natin" mamay " Sabi ko nga na matutuwa sila kapag dumalaw sila jan, nga pala mamay galing ka ba po ba? Nung umalis ako ay may sakit ka pa." " Galing na ako, malakas pa nga ako sa kalabaw" at nagtawanan kami dahil sa biro ni mamay " Pagbutihan mo anak ang pag-aaral mo jan ha, miss ka na namin" " Opo naman papadud, mamay, para saatin po itong lahat" Pagkatapos ng kwentuhan ay nagpaalam na sila, kahit gusto ko pang makipag-usap sa kanila ay maaga pa ang gising ko bukas, simula na ng aming klase. Kailangan maaga akong pumasok dahil hahanapin ko pa ang pangalan ko kung saan section ako nakasama at kung saan ang aking classroom. Sana talaga ay kaklase ko yung apat para mas masaya. Naglinis na ako ng aking katawan at nahiga upang magpahinga. Bukas ay panibagong nakakapagod na araw ang aking kakaharapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD