Kabanata 12

455 Words
Isa-isa kaming pinuntahan ng aming mga prof at isa na don si Sir Amiel, di mapagkakaila na talaga namang siya ay napakagwapo at sabi nga nila ay yummy, siguro nasa early 20's palang ang kanyang edad, mukang bata pa at mukha rin syang f*ck boy. Nagsimula siya magpapasa ng index card, ang mga kaibigan ko ay malapit sa unahan nakaupo dahil gusto makita ng malapitan ang aming prof at ako naman ay kahanay nila ngunit sa pinakadulong upuan naupo. Tinawag ni sir ang mga pangalan namin para pumunta sa harapan at magpakilala. Nang tinawag ang aking pangalan ay nagpunta na ako sa unahan, nararamdaman ko ang titig ni sir sa akin " Hello classmates, I am Alicia Camille Monteagodo. You can call me Alice, I am from Nueva Ecija, thank you" pagpapakilala ko "Thank you Alicia Camille" wika ni sir. Paglabas namin ng room dahil last subject na namin si sir Amiel ay di na mapigil ang kilig ng mga kaibigan ko. "Shocks, narinig nyo ba yon, di lang sya gwapo, ang lalaki ng mga biceps, alagang alaga sa pag-gigym at yung boses nya, so deep and sexy, feeling ko inlove na ko kay sir" wika ni Sofie "Wag nga kayong OA, bawal yan student and teacher relationship ano ba kayo, tama na muna yung crush crush kay sir at aakitin ko nalang sya pag di na natin sa prof" nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Lexa. Dumiretso kami sa canteen at bumili ng maiinom, ngunit pagkabili ay nagpaalam na ako sakanila uuwi. Sumama saakin pauwi dahil nagugutom raw sila at doon na magmimiryenda sa karinderya nila tita sahil masarap daw ang luto dito. Di na ako tumutol at inaya na sila, malapit na rin maubos ang panina ni tiya at nagliligpit na rin si Ate Jessa. Pinakuha na saakin ni tiya ang order nila para maipahain na sila ng kanilang makakain. Tinulungan ako ni Ate Jessa para mabilis ang pagserve sa kanila ng kani-kanilang mga pagkain. " Masarap po ang luto, kaya sigurdo ay madadalas kmi na kumain dito" sambit ni Blythe kay tiya " Hayaan nyo at libre ang inyong juice kapag kayo ay kakain dito" " Ay talaga po, thank you po tita" wika ni Sofie " Nako tiya pasennsya na po kung maingay ang mga kaibigan ko" " Okay lang yun anak ang mahalaga ay may kaibigan ka na at di na mag isa dyan sa eskwelahan" Nginitian ko si tiya at pinagpatuloy ang aking pagliligpit, nakauwi na rin sila dahil dumating ang kani-kanilang mga sundo. " Ako na jan Alice, kumain ka na at magpahinga alam kong pagod ka dahil maaga ka pang gumising" " Salamat ho tiya" pumasok ako sa kwarto at nagpahinga, maaga pa ang aking pasok bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD