Kabanata 11

428 Words
Nagising ako sa katok ng pintuan, tinatawag ako ni tiya Belen. Pagbukas ko ng pinto ay medyo madilim pa, sabi niya ay kumain na raw ako at nakaluto na sya para maaga akong makapasok at mahanap ang room assignment at section ko. Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng plato, dumiretso sa banyo at naligo. "Alice, idagdag mo ito sa pera mo para mamaya ay makapag pasukat ka na ng uniform, magpagawa ka na dahil isang linggo lang ang binibigay nila palugit para sa mga freshmen" " Opo tiya bago po umuwi ay dadaan na ako sa registrar para umorder ng uniform, mauna na po ako tiya nasa labas na po sila Addie." Nagmano muna ako kay tiya bago lumabas Nakita ko ang apat na nakasungaw sa gate nila tiya. Pinagmamadali ako, excited na daw sila malaman kung magkakasama ba kami sa section, ngayon din kasi ang kuhanan ng schedule namin kaya dapat ay maaga kaming pumasok. Nang dumating kami sa Admin offic,e ay marami na ang nakapila. Nagkwentuhan kami habang nasa pila at nagtatawanan na parang matagal na kaming magkakakilala " May pogi kaya tayong classmate?" " Sofie umaasa ka pa madalang sa lalaki ang gustong mag flight attendant, siguro bakla ay marami" bara ni Lexa. " Masyado naman atang judgemental si ati mong Lexa, malay mo naman diba may maginoong medyo bastos na yummy tayong classmate" sagot naman ni Blythe. " Kayo talaga , pero alam nyo balita ko ay katabi ng building natin ang building ng mga Marine Engineering kaya malay nyo naman diba" Addie " Kakabidahan nyo di nyo alam tayo na" at nagtawanan kami sa tinuran ko. Nang makuha na namin ang aming mga room assignment at subjects ay nakita naman na magkakasama kami sa iisang klase, kaya labis ang kasiyahan ng bawat isa. Kaya naglakad na kami papunta sa Tourism building, napapagitnaan ito ng Nursing Building at Marine Engineering Building. Matapos namin makita ang classroom namin ay dumiretso na kami sa University gymnasium para sa student's orientation. Pinakilala ang mga Professors na magtuturo sa mga courses. "Di na pala natin kailangan ng classmate na gwapo, meron naman pala kasing prof" kinikilig na sabi ni Lexa "Oh my, parang hihimatayin ako pag nagkataon na papalapitin nya ko sakanya para magrecite" maarteng sabi ni Addie "Hihimatayin ba dahil sa kaba o dahil sa kilig" wika ko "Ikaw talaga, hayaan mo na at hanggang pantasya lang naman kami" Pinabalik na kami sa room upang mameet ang mga prof namin, at excited ang mga kasama ko na makilala si sir Amiel, and professor namin sa Physics.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD