Matapos ang mahabang araw ay natapos na rin kaming magligpit ni Tiya Belen sa kanyang karinderya inabutan niya ako ng pera at ipunin ko raw para kung may kailangan akong bilhin na gamit ay may pambili ako. Malaki ang pasasalamat ko sa aking tiya dahil handa syang tulungan kmi. Maya maya ay dumating si tiyo Mando galing sa Casino at sya naman ang inasikaso ng aking tiya, pinaakyat na niya ako at pinagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para samahan si Tiya Belen sa pamamalengke at bumili na rin ng ibang gamit bago nagsimula ang eskwela. Habang kami ay nag-aabang ay napatanong na ako sa aking tiya kung nasan ang nag-iisang anak niyang lalaki na si Kuya Geo "nako anak laging nasa barkada niya iyon, ako nga ay nanghihinayang at hindi na pinagpatuloy ng bata na iyon ang pag-aaral, inuuna ang pagbabanda at pakikipagbarkada" ani nito. " Siya nga pala Alice ipinalista kita sa mga mag aapply ng scholar sa Unibersidad mayroong interview bukas gumayak ka ng maaga at magtungo roon sayang at baka matanggap ka, may potential ka pa naman" dagdag pa nito. "Maraming salamat po tiya sa mga tulong mo sa amin." Maluha luhang saad ko. " Ano ka ba wala iyon mga simpleng bagay lamang iyon, pambawi ko na rin sa aking kuya, tumigil siya ng pag-aaral at pinagpatuloy ang pangingisda at hinayaan ako ang unang makapagtapos sa pag-asang mabibigyan ko ng magandang buhay ang aming magulang, pero sa huli ay nadapa at natisod ng sugarol at walang patutunguhan sa buhay" wika pa nito. " Muka namang nagbago na si tiyo Mando tiya" " Kung kailang matanda na sya saka sya nagbago" natatawang wika nito. " Halika na nga at eto na ang ating sasakyan"