Kabanata 8

314 Words
Alice Pov Nagising ako sa tunog ng alarm, maaga nga pala ako gigising para pumunta sa university , ngayon ang sinasabi ni tiya na interview para sa mga scholar. Bumangon na ako oara magluto ng agahan namin, ngunit gising na pala si tiya at nakaluto na. "Magandang umaga po tiya" "O Alice gising ka na pala, halika maupo ka, magkape ka na at mg umagahan bago ka gumayak" " Salamat po tiya, maayos ba ho ba ang pakiramdam mo?" " Oo iha, salamat ha" Kumain na ako at naligo para makagayak na. Maaga akong pipila upang maaga makauwi tutulungan ko si tiya sa karinderya bago pumunta sa bilihan ng mga gamit sa eskwela. Tinawagan kasi ako ni Addie at sabay na kami bibili. Kinuha nya kasi ang number ko bago siya umuwi nung makatapos ang entrance exam. "Tiya magpapaalam ho sana ako, pagkatapos ng interview ay uuwi muna ako para tumulong saiyo sandali sa paggagayak ng paninda at bibili ho kami ni Addie ng mga gamit para sa eskwela" paalam ko. " Okay sige anak nandyan naman si Jessa para makatulong ko sa karinderya mamaya" Nagpaalam na ako para umalis nagpolbo ako at naglagay ng konting liptint, inayos ko rin ang damit ko at sling bag na suot bago tuluyang lumabas ng bahay. Tumawid na ako at nagtungo sa admin office, dahil doon gaganapin ang interview base sa nakapost sa f*******: page ng unibersidad. Pagdating ko doon ay medyo mahaba na ang pila. May mga nakilala na rin ako na kapwa ko tourism management course at freshmen kagaya namin ni Addie, sana nga ay maging classmate namin sila. Tinext ko na rin si Addie na kung okay lang na isama ko ang tatlo sa pagbili namin ng gamit mamaya. Doon na daw sila kakain ng umagahan sa karinderya habang nag iintay kay Addie dahil susunduin nya kami at sabay sabay ng pupunta sa mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD