Di na nagpahinga si Alice at hinanap niya ang lugar sa Unibersidad kung saan siya mag eentrance exam. Dahil siya lang mag isa ang hahanap ng kanyang pupuntahan, bagong salta lang siya rito at wala pa syang kakilala bukod sa kanyang tiya Belen at Tiyo Mando, ang nag iisang anak naman nito ay sa ibang bansa nag aaral ay umuwi at napagpasyahan na bumuo ng banda. Nang makarating na siya sa loob ay nagtanong tanong siya upang mahanap ang building na nais nyang puntahan at ng ito ay kanyang matagpuan ay umuwi na rin siya para makapag-pahinga dahil napagod siya sa anim na oras na byahe galing sa probinsya papunta rito sa Maynila.
Alas sais pa lamang ay nakagayak na siya upang pumunta sa Unbersidad.
"Tiya mauna na po muna ako at gusto ko po sanang magreview bago pa magsimula ang exam".
Ayaw nyang palampasin ang pagkakataon, bata pa lamang siya at pangarap na nya ito at gusto nyang matupad at masuklian ang pag-aarruga ng kaniyang mga magulang, gusto niyang mabigyan ang mga ito ng maayos na buhay dahil matatanda na ang mga ito ay nagsisikap pa rin para sa kanila pamilya. Ang kanyang bunsong kapatid naman ay nag-aaral pa. Habang naglalakad papunta sa building ay nagbabasa siya sa kanyang cellphone para makahanap ng mga pwede niyang pagkakitaan, upang may panggastos sa mga kakailanganin nya sa pag- aaral.
"Oh my Gosh, pwede bang tumingin ka sa dinadaanan mo" wika nito. Isa rin itong freshmen na magte-take ng entrance exam sa unibersidad. Humingi na lang siya ng pasensya at nagpatuloy sa paglalakad.Naupo siya sa tapat ng pinto ng room kung nasaan ang pangalan niya at pinapagtuloy ang kaniyang pagrereview.
Dumadami na ang mga tao sa paligid niya inilagay na nya ang cellphone sa kanyang bag dahil dumating na ang prof na may dalang questionaire. Isa-isa silang nagsipasok at naghanap ng kani-kaniyang upuan. Pinili niya ang sa may pinakadulo na upuan. Halos lahat ay may kakilala. Siya at ang isang nasa unahan niya ang bukod tangi ang walang imik. "Hi, I'm Addie, anong course pala ang kukunin mo?" pagpapakilala nito sa kanya. "Ako nga pala si Alice, tourism ang napili kong kurso, ikaw anong course mo?" balik tanong niya. "Really? I hope we have the same class, tourism din kasi ang course na gusto ko"
" Please be quiet and settle yourselves, we're about to start in a minute" Prof.