Hindi na nakasalita si Hiraya, talagang natulala na lamang siya dahil sa narinig na sinabi ng mayordoma. Ito na nga ba ang kinakatakot niya paulit-ulit kasi niyang pinapaalalahanan ang kanyang tiyo, pero kasi hindi ito nakikinig sa kanya. Iniisip lang nito na makaraos, mapaligaya siya at mapaligaya ang sarili nito pero ito mukha nga nangyari na ang hindi dapat mangyari. Ngayon namumutla siya at hindi niya malaman kung ano ang sasabihin o isasagot sa mayordoma, at mga kasambahay papaano pa niya itatago ang ganitong kalagayan niya. Biglaan niyang naalala ang kanyang buwanang dalaw, oo nga pala isang buwan na rin na mahigit pero hindi pa rin dumarating ang kanyang dalaw. Nawala sa kanyang isipan na i-monitor iyon dahil hindi naman niya iniisip na mangyayari ang ganito sa kanya. Ngayon

