Chapter 38

1812 Words

Hindi alam ni Carol kung gaano sya katagal nakatulog pero lahat ng sakit sa kanyang katawan at tanong sa kanyang isip ay naglaho na parang bula ng makita nya ang taong kanyang pinakamamahal. "Carol!" ang unang salitang namutawi sa bibig ni Alex na may luha sakanyang mga mata habang pinagmamasdan si Carol na hindi mapigilang maiyak sa tuwa. "You scared me!" "Alex..." nanghihina na sambit ni Carol habang buong pagmamahal at kasabikan na pinagmamasdan si Alex. Akala ni Carol ay hindi na nya ito makikita at mahahawakang muli. "I'm sorry kung dahil sakin ay muntik ka ng mapahamak," iyak ni Alex habang yakap yakap ang nanghihina paring si Carol. "Muntik ka ng mawala sakin," ngayon lamang nailalabas ni Alex ang kanyang tunay na nararamdaman dahil kailangan nyang magpakatatag para kay Carol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD