Muling binaybay ng minamanehong kotse ni Angelica ang daan patungong Maynila.Habang siya ay nasa daan ay sumagi sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni secret admirer,ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat at kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili 'hindi ko rin naman kasalan ang lahat ng ito ' depensang nasabi ni Angelica sa kanyang sarili '.Ang rason niya ay hindi naman niya ito ginusto at kung siya lang ang papipiliin ay ayaw niya ang maging ganoon. ' namana ko lang naman ito sa aking ina na namana naman ng kanyang mama sa kanyang mga immediate ancestors.' Pagtatanggol pa niya sa kanyang sarili. Nang maka-sapit na siya sa isang bahagi sa lugar ng Pampanga ay muntik na naman siyang makabangga ng isang susuray suray na lalaki dahil sa kanyang kalasingan mabuti na lamang at muli ni

